^

Punto Mo

Manang Rose (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPALINGON si Eliz sa nagtatanong na si Gino. May takip na panyo sa mukha si Gino. Hindi nakilala ni Eliz si Gino.

“Dun ang CR sa building na yan. Pero magsabi ka sa guard,’’ sagot ni Eliz at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro.

“E ang canteen Mam, saan?’’ tanong muli ni Gino na nananatiling may takip na panyo ang mukha at binago ang boses.

Lumingon muli si Eliz at sumagot.

“Nasa loob din ng building, pagpasok, gawing kaliwa.’’

“E puwede bang malaman ang name mo?’’ tanong ni Gino na gusto nang sumabog sa pagtawa,

Natigilan si Eliz. Napatitig sa nagbabalatkayong si Gino. Naghihinala na ito sa ginagawang pagtatanong ng katabing lalaki.

Hanggang hindi na napigilan ni Gino ang ginagawang pagbabalatkayo at napahagikgik na. Inalis ang nakatakip na panyo sa mukha.

Gulat na gulat si Eliz sa nakita.

“Gino?’’

Patuloy sa paghagikgik si Gino.

Kinurot siya sa braso ni Eliz.

“Lagi mo na lang akong binibiro!’’

“Ngayon lang naman ah!’’

“Paano mo nalaman ang sked ko?’’

“Basta nag-try lang ako—at tagumpay, ha-ha-ha!’’

“Ikaw talaga laging si sorpresa.’’

“Ayaw mo?’’

“Gusto.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with