^

Punto Mo

Mga dorobong pulis, walang takot kay ­Gen. Azurin?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Pitong Pinoy na papuntang Sabah, Malaysia ang na-intercept ng mga elemento ng Philippine National Police sa Zamboanga City. Ang pito ay sinalubong ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC), 1st Special Operations Unit ng PNP Maritime Group at Tawi-Tawi Maritime Police Station sa kanilang pagdating sa Zamboanga City seaport nitong Sabado.

Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz na ang pito ay lulan ng barkong M/V Thrisha Kersen ll nang ma-intercept ng mga operatiba ng PNP. Ayon kay Cruz, walang maipakitang papeles ang pito kaya sila ay na-turnover sa custody ng Department of Social Welfare and Development Region 9 kung saan sila ay iniimbestigahan.

• • • • • •

Porke’t magreretiro na si PNP chief Gen. Junaz Azurin, abayyyyy sinasamantala naman ng mga dorobong pulis para kumita. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang paggisa ng mga tiwaling pulis ng pangalan ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Richard Clarin sa mga pasugalan sa Metro Manila. Panay huli kasi ng mga sugal-lupa ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD at MPD sa kanilang hurisdiksyon at maganda sana kung tinutuluyan nila ang mga ito. Imbes kasi na kasuhan, abayyyyy pinakawalan din ng mga DSOUs ang kanilang huli at hinihingan na lang ng timbre para sa GAB ni Clarin. Ano ba ‘yan? 

Si Clarin ay itinalaga ni President Bongbong Marcos para pamunuan ang GAB na ang primary function ay i-regulate at i-supervise ang professional sports at allied activities. Hindi lang ‘yan, nakaatang din sa GAB ang paghabol sa illegal bookie joints at iba pang organized illegal gambling na konektado sa play-for-play sports at amusement games. Eh di wow! Hehehe! Mukhang taliwas sa function ng GAB ang ginagawa ng mga tulisang pulis, ano mga kosa? Dipugaaaaa!

Sinasabi ng mga kosa ko na ang mga gumagamit ng pangalan ni Clarin sa MPD ay si PO3 Francis Manlutac na naka-assign sa District Intelligence Division samantalang sa NPD naman ay si PO3 Mark Anthony Gonzales. Hehehe! Mas mautak si Gonzales dahil para hindi matukoy ang pagkakilanlan niya kapag nagkabukuhan, abayyyyy gumagamit ito ng mga alyas na Tata Diego at Tata Kiko. Eh di wow! Hak hak hak! Buking naman! Baka hindi naman alam ni Clarin ang pinaggagawa ng mga dorobong pulis? Dipugaaaaa! Kung may basbas naman ni Clarin ang tong koleksiyon nina Manlutac at Gonzales, tiyak hindi naman nila maitatago dahil kalye ang ginagalawan nila, di ba mga kosa? 

Sisipa sa mga district directors ang lakad nina Manlutac at Gonzales dahil lalabas na may sugal-lupa sa hurisdiksiyon nila subalit hindi kumikilos ang DD nila. Get’s n’yo mga kosa? Hindi lang ‘yan! Lalabas din na walang takot itong sina Manlutac at Gonzales kay PNP chief Gen. Junaz Azurin na nasa kalagitnaan ng kampanya n’ya na linisin ang imahe ng PNP ng mga sangkot sa droga.

Teka nga pala! Anyare sa internal cleansing ng PNP? Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with