^

Punto Mo

Probationary employee pa rin ba kahit lampas na ng 6 na buwan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May tanong lang po ako tungkol sa regulari­zation. Sinabihan kasi kami noon na six months lang po ang probation period naming mga bagong employees pero siyam na buwan na po kami nga­yon­ at under probation pa rin po ang status namin. Kung sakali bang tinanggal kami at hindi ni-regular may matatanggap ba kaming separation pay? —Paul

Dear Paul,

Regular employees na kayo kung wala naman kayong napagkasunduan ng inyong employer tungkol sa pagpapalawig ng inyong probation period ng higit sa anim na buwan at tuluy-tuloy pa rin ang inyong pagpasok sa trabaho.

Dahil regular na ang inyong status bilang mga empleyado, maari lamang kayong alisin dahil sa mga tinatawag na authorized o just causes. Kung dahil sa authorized cause ang dahilan ng pagtanggal sa inyo ay kailangan na kayong bayaran ng karampatang separation pay depende sa grounds ng pagtanggal sa inyo katulad ng retrenchment o redundancy. Kung just cause naman ang dahilan sa pagkakatanggal katulad ng labis na kapabayaan sa trabaho ay wala kayong matatanggap na separation pay.

Sa madaling sabi, hindi na kayo maaring tanggalin sa kadahilanang hindi kayo nakapasa sa evaluation ninyo noong kayo ay probationary employees pa lamang. Dahil tapos na ang anim na buwang probationary period n’yo at wala ka namang nabanggit na kasunduan sa extension nito ay masasabing regular employees na kayo na hindi na basta-basta maaring tanggalin nang walang sapat na dahilan at hindi naaayon sa tamang proseso.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with