Estudyante sa bomb scare sa QC, bagsak sa kulungan!

HULI na ang pagsisisi para sa 22-anyos na estudyante sa Quezon City. Dahil sa bad joke, sa kulungan ang landing ni Elfrank Emil Anthony Kadusale. Inaresto ng mga tauhan ni Quezon City Police District Brig. Gen. Nicolas Torre si Kadusale matapos itong magpadala sa social media ng bomb threat sa Ponciano Bernardo High School sa Cubao. Hindi lang ‘yan, humi­ngi rin ng P100,000 si Kadusale sa eskuwelahan. Sa ngayon, kinasuhan ni Torre si Kadusale ng anti-bomb joke law at robbery extortion. Araguyyyyy!

Magsilbing leksiyon sana sa mga kabataan ang kaso ni Kadusale at hindi dapat pamarisan, di ba mga kosa? Nagbanta naman si NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo na hindi palalampasin ng liderato niya ang ganitong uri ng biro dahil hindi lang ito bagong isyu. Marami pa kasing bomb threat o prank reports na natatanggap ang NCRPO tulad ng sa New Era Elementary School, Emilio Jacinto High School, at San Francisco High School na iniimbestigahan pa, ani Estomo. Dipugaaaaa!

“Rest assured that Team NCRPO will take every measure available and will provide additional resource we have to protect the public from such life-threatening situations,” ani Estomo. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Mismooooo!

Ayon kay Maj. Anthony Alising, NCRPO PIO, natanggap ng Bernardo High School ang bomb threat sa pamamagitan ng social media post ni “Bob Key Ser Panganiban” bandang 12:29 a.m. Ayon sa post, ang bomba ay nakatanim sa isa sa mga comfort rooms at mawa-wipe out ang lahat kapag sumabog. Eh di wow!

Siyempre, nagkagulo sa eskuwelahan kaya’t super bilis ang pagresponde ng Cubao Police Station explosive unit para siguraduhing ligtas sa kapahamakan ang mga estudyante. Ang masama niyan, may sumunod pang post mga bandang 9:59 a.m. kung saan humihingi naman ng P100,000 ransom, ani Alising. Dipugaaaaa!

Nagsagawa ng koordinasyon ang mga bataan ni Torre sa school principal bago magsagawa ng inspection sa eskuwelahan at threat assessment at wala naman silang nakitang bomba. Eh di wow! Hehehe! Mabilis lang magtrabaho itong mga bataan ni Torre kaya’t pinapasok kaagad ang mga estudyante matapos ang inspection para maipagpatuloy ang klase. Dipugaaaaa!

Dahil may kakayahan naman ang QCPD sa high-tech investigation, kaagad namang nasakote si Kadusale na isang Grade 8 Alternative Learning System student ng eskuwelahan, di ba Col. Melecio Buslig, QCPD deputy chief for operations? Hehehe! Long time no hear kosa!

Ito ang magandang parte. Sa kanyang tatlong pahinang resolution, ipinaaresto ni Asst. City Prosecutor Criselyn Carayugan-Lugo ng Quezon City prosecutor’s office si Kadusale at kakasuhan ng anti-bomb joke law na may bail na P30,000, grave threats na may piyansang P72,000 at violation of R.A. 10175 na ang bail ay P120,000. Hak hak hak! Imbes na kumita, olats sa piyansa si Kadusale. Kaya kayong mga kabataan diyan, gagayahin n’yo pa ba si Kadusale? Tiyak hindi, di ba mga kosa? Abangan!

Show comments