Tips para sa masayang buhay

PARAAN para magmukhang kalmado sa nakaka-stress na sitwasyon:

• Tumitig sa pader sa loob ng 30 seconds.

• Mag-inhale at exhale ng apat na beses.

• Ngumuya ng mint flavoured gum. Nakakapagpatahimik ito ng isipan ng 79 percent.

• Magdrowing ka ng circle sa iyong ngalangala gamit ang iyong dila sa loob ng isang minuto.

Color combination na nakakasosyal:

• Blue at white.

• Beige at brown.

• White/creme at emerald green.

Habits na nakakapagpahirap sa buhay:

• Paninigarilyo, laklak alak, mamahaling kape, eating out daily, bottled water, video game points, sugal, branded clothes, nagpapalit lagi ng usong iphone, nakakalimutang ikansel ang free trial sa Netflix, hindi full magbayad sa credit card, laging nagtataksi, lottery tickets.

Limang paraan para tumaas ang respeto sa iyo:

• Huwag maging palaasa.

• Iwasang maging bida-bida na parang ikaw na lang ang magaling.

• Huwag ipagsabi ang mga sikreto mo sa buhay.

• Iwasang makipagtalo. Choose your battle.

Show comments