Psychology facts  

• Agad lumayo sa taong hindi umaamin ng kanyang pagkakamali at sa halip ay pa-victim pa ang drama nito.

• Sabi ng mga eksperto, ang pinakamagandang oras para makipagtalik ay sa umaga dahil ang ating katawan ay naglalabas ng endorphins na nagpapababa ng blood pressure; at binabawasan nito ang tsansang makadama ng stress. Kung ganito ang mangyayari, magiging maganda ang pakiramdam natin sa isang buong araw.

• Ang ibig sabihin kapag nakayakap sa iyo ang mister mo habang kayo ay natutulog, gusto ka niyang angkinin habang buhay.

• Kapag sobrang close ang isang tao sa iyo, naririnig mo ang kanyang boses tuwing binabasa mo ang kanyang text messages.

• Habang tumatagal ang pagsasama ng nagmamahalan, nagsisimula na silang maging magkamukha.

• Ang taong sobrang mag-isip (overthinking) ay nagiging mabuting kaibigan. Ang ­overthinking ay ikinokonekta sa pagkakaroon ng empathy o kakayahang maunawaan ang nadarama ng kapwa.

• Ayon sa mga researchers, 70 percent ng mga tao ay hindi alam kung saan sila mahusay o ano ang kanilang “strength”.

• Ang working moms ay mas masaya sa buhay kaysa stay-at-home moms ayon sa pag-aaral na ginawa ng American Psychological Association.

• Ang dalawang epektibong paraan para mapaglabanan ang depresyon ay mag-exercise at mag-alaga ng hayop.

• Sa U.S., 40 percent ng nanganganak ay mga single.

• Ayon sa namayapang Hollywood actor na si Heath Ledger: Ang iyong tagahanga ay madalas na mga taong hindi mo kakilala at ang iyong number one hater/basher ay madalas na taong kakilala mo.

Show comments