Psychology facts

• Kung may nag-comment sa iyo ng masakit na tipong namemersonal na, at pagkatapos ay sinundan ito ng “joke lang”, oras na para iwasan ang taong ito. Totoong minamaldita ka ng taong iyon at hindi totoong nagbibiro lang siya.

• Kung sa tuwing pumapalpak ang isang tao ay hindi niya inaako na kasalanan niya ito at sa halip ay isisisi niya ito sa ibang tao, malaki ang tsansang siya ay narcissist.

• Kung sinigawan ka ng officemate o classmate, huwag kang gaganti ng pagsigaw. Sa halip ay sabihan mo siya ng ganito: “Tama nga ang sinasabi nila tungkol sa iyo”, sabay talikod.

• Hindi totoo ang kasabihang “opposites attract”. Mas gusto nating maging malapit sa mga taong parehong mag-isip ng kagaya natin; kapareho ng ugali natin at pareho ng mga hilig gawin.

• Kapag tumataas na ang boses ng iyong kaargumento at nagpapakita na ito ng galit. Huwag ka nang sumagot. Manahimik ka at hayaan mong siya ang tumalak nang tumalak. Tapos bigla kang magsalita na parang nag-aalala sa kanya: Okey ka lang?

• Ang mag-asawang nag-a-I Love You at nagki-kiss araw-araw ay mas masaya ang buhay at bihira lang mag-away.

• Iwasang ipagsabi ang iyong mga plano dahil ang tendency ay lumiliit ang tsansa mong magtagumpay. Bakit? Ipinagsabi mo na kasi kaya nabawasan na ang motivation mo na magsikap.

• Kung gusto mong pakinggan ka ng mga anak mo, hinaan ang boses at maging malumanay sa pagsasalita. Hindi lang napapansin na mga matatandang nakakasalamuha nila, automatic na tumataas ang inyong boses para ipadama ang inyong authority. Nagiging immune tuloy sila sa mataas na boses na ikinaiinis nila kaya hindi nila kayo pinapansin.

Show comments