^

Punto Mo

Emergency call  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Arthur Smith ay isang Australian na nagtatrabaho bilang paramedic. Ang grupo nila ang unang ipinapadala sa mga emergency cases na itinawag sa hotline 000. Ito ang version ng 911 sa Australia. Isang araw ay may tawag silang natanggap mula sa babaeng nagla-labor. Ayon sa babae, nag-iisa raw siya sa bahay at manganganak na. Hindi na siya makakilos dahil sunod-sunod ang paghilab ng kanyang tiyan.     

Si Arthur lamang ang naka-duty nang oras na iyon kaya siya ang ipinadala sa address na ibinigay ng babae. Pagkatok niya sa bahay ay isang babaeng nasa early twenties ang nagbukas ng pintuan. Nasa mukha nito ang labis na pagtataka habang sinusulyapan nito ang ambulance na ipinarada ni Arthur.

“Yes?” sabi ng babae kay Arthur.

“Ito ba ang 2244 Midpoint street?”

“Yes, ito nga.”

“May babaing tumawag sa amin 20 minutes ago at sinabing manganganak na siya. Ang pangalan niya ay Jazzy Williams.”

Tumingin si Arthur sa tiyan ng babae.

“Ako si Jazzy pero hindi ako tumawag sa inyo at hindi pa ako manganganak. Seven months pa lang itong tiyan ko.”

“May kasama ka ba diyan sa inyong bahay? Baka may nagbiro at siya ang tumawag sa amin?”

“Wala. Kahapon pa ako nag-iisa dito. Nasa trabaho ang aking mister.”

Napakamot sa ulo si Arthur. First time na nangyari iyon sa kanya: na hindi totoo ang itinawag na emergency. Paano kaya nangyari iyon? Nagpaalam si Arthur sa babae at humingi ng paumanhin. Hindi muna siya umalis sa harapan ng bahay ni Jazzy Williams. Tumawag muna siya sa opisina ng 000 para ireport ang nangyari. Ni-request niya sa telephone operator na i-verify ang tawag mula sa isang babaeng nagngangalang Jazzy Williams. Hanapin kung saan nagkamali. O, kaya ay alamin ang totoong address ng tumawag. Kawawa naman yung taong tunay na humihingi ng tulong. Muli siyang tinawagan ng telephone operator at ipinagpilitang tama ang tao at address na pinuntahan niya.

Paaandarin na sana ni Arthur ang ambulansiya para makabalik na sa opisina nang may marinig siyang sigaw ng babae. Doon nanggagaling sa bahay ni Jazzy Williams. Sumilip siya sa bintana. Nakaupo si Jazzy sa sofa. Nakahawak ito sa kanyang tiyan habang namimilipit sa sakit. May dugong umaagos sa binti nito. Dali-daling pumasok si Arthur sa bahay. Tumawag siya sa opisina para magpadala ng doktor.

Pagkatapos palang kausapin ni Arthur si Jazzy, ito ay nadulas sa sahig ng kanilang kusina dahil sa mantikang aksidenteng natapon mula sa lalagyan. Nanganak nang wala sa oras si Jazzy. Ngunit dahil nabigyan kaagad ito ng first aid at maagap na nadala sa ospital, ligtas na nailuwal niya ang sanggol kahit pipitong buwan pa lang sa tiyan. Isa si Arthur sa naging ninong nang binyagan ang baby. Hanggang ngayon, hindi maubos-maisip ni Jazzy kung sino ang tumawag sa 000.

PARAMEDIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with