^

Punto Mo

Pamilya sa U.S. na kumain sa seafood restaurant, nakakuha ng mamahaling perlas sa kabibeng in order!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUMAKAIN sa Salt Air restaurant ang isang pamilya mula Pennsylvania, U.S. nang may nakuha silang mamahalin at rare na purple pearl sa inorder nilang kabibe!

Habang kinakain ni Scott Overland ang inorder niyang Northern Quahog clam, may nakagat siyang matigas na bagay na halos makasira sa kanyang ngipin.

Nang iniluwa niya ang matigas na bagay sa kanyang plato, sa unang tingin nila ay isa itong beads dahil sa kulay nitong purple. Ang akala nila ay isa itong beads na nalaglag ng chef mula sa kanyang alahas.

Pero napagtanto ni Scott at ng kanyang asawa na isa itong perlas. Sa una ay hindi makapaniwala ang mag-asawa dahil hindi nila inaasahan na may perlas pala ang mga clams. Ang buong akala nila ay sa oyster lamang nakakakuha ng perlas.

Ayon sa pearl expert na si Tim Parsons, may kakayahan na mag-produce ng perlas ang clams. Dagdag pa niya, may statistics na sa U.S. na taun-taon may isang restaurant customer na nakakasuwerteng makahanap ng perlas sa inorder nilang oyster o clam.

Sa kasalukuyan, ipinapa-appraise na ni Scott Overland ang natagpuan niyang perlas upang malaman ang totoong halaga nito.

vuukle comment

JEWELRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with