^

Punto Mo

Tubig-ulan mapanganib nang inumin?  

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA iba’t ibang bahagi ng mundo, matagal nang nakasanayan ng maraming tao na uminom ng tubig-ulan. Pero tila hindi na ito nakabubuti sa kasalukuyang panahon.

Lumilitaw sa isang pag-aaral na sinasabi sa Popular Mechanics na lumabas noong Agosto 2 sa journal na Environmental Science and Technology na hindi na ngayon mainam na uminom ng tubig-ulan.  Kung iinom ng tubig-ulan, makakasagap ka ng napakaraming Perfluoroalkyl and Polyfluoroalkyl Substances (PFAS), ang nakakasamang kemikal na sumisingaw  mula sa mga ultra-durable plastic.

Ayon sa National Institute of Environmental Health Sciences ng United States,  ang PFAS ay isang malaking grupo ng manufactured chemicals na sangkap sa iba’t ibang produkto tulad ng mga damit, carpet, fabric para sa furniture, adhesives, paper packaging para sa pagkain at mga lutuan ng pagkain. Ginagamit din ito sa mga industriya tulad ng aerospace, automotive, construction at electronics.

Pero isinaad sa naturang pag-aaral na lampas na ang daigdig sa safe zone para sa plastic contamination. Kalat na anila sa buong mundo ang ganitong kemikal at nakatanim na sa atmosphere.

“Batay sa huling U.S. guidelines para sa PFOA (isang anyo ng PFAS) sa mga inuming tubig, ang tubig-ulan sa kahit saang lugar ay masasabing hindi na ligtas inumin. Bagaman hindi madalas inumin ang tubig-ulan sa industrial world, inaakala pa rin ng maraming tao sa buong mundo na ligtas pa rin itong inumin at sinusuplayan nito ang maraming drinking water sources,” sabi sa magkahalong Ingles at Filipino ni Ian Cousins, isang professor sa  Department of Environmental Science ng Stockholm University at lead author ng pag-aaral.

Lumilitaw din sa pag-aaral na lumampas na sa safe level bilang inumin ang level ng dalawang klase ng PFAS sa tubig-ulan  na tinatawag na PFOA at PFOS. Kapag lumagpas na sa safe limits ang katawan ng tao, maaari itong makasama sa immune system, cardiovascular system, fertility at child development.  Maaari nitong mapigilan ang pag-response ng mga bata sa mga bakuna na dahilan para mabawasan ang epekto ng mga ito. Meron din umanong ebidensiya na maaaring magdulot ng sakit na kanser sa tao ang PFOA.

Sinasabi pa sa pag-aaral  na ang PFAS ay patuloy na umiikot mula sa karagatan paakyat sa hangin sa pamamagitan ng seaspray. Dinadala ito ng hangin sa atmospera, naitatanim sa mga ulap at bumabalik sa lupa.

Batay naman sa payo ng Healthline, hindi lahat ng tubig-ulan ay ligtas na inumin. May mga physical at environmental factors na maaaring maging dahilan para maging mapanganib sa kalusugan ang malinis na tubig-ulan. Maaari itong magtaglay ng mga parasite, harmful bacteria at viruses at sa nagdaang panahon ay naiuugnay sa pagkalat ng mga sakit.

Ang tubig-ulan na bumubuhos sa mga lugar na lubhang polluted o nakakontak sa mga contaminant tulad ng dumi ng hayop o heavy metals ay maaaring hindi angkop inumin ng tao. Hindi mainam na kumolekta at uminom ng tubig-ulan maliban na lang kung 100 porsiyentong nakakatiyak ka na malinis ito at ligtas inumin. Bagaman ligtas na inumin ang malinis na tubig-ulan, madali itong nakokontaminado habang bumabagsak sa lupa na maaaring magdulot ng peligro sa kalusugan.

 

Email: [email protected]

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with