Ginger (114)

DAHAN-DAHANG itinaas ni Anton ang nasalok na bato mula sa balon. Hanggang sa makita na niya nang malapitan ang bato. Pinagmasdan niyang mabuti. Nagbabaga ang bato. Pero ang ipinagtataka niya, wala siyang nararamdamang init. Maski kanina habang nakatunghay siya sa balon, wala siyang maramdamang init.

Naisip ni Anton, ano kaya at hawakan niya ang bato para siya makatiyak kung mainit o hindi ang bato.

Nagpasya si Anton na hawakan ang bato.

At ganun na lamang ang pagkagulat niya sapagkat hindi mainit ang bato sa kabila na ito ay nagbabaga! Hindi siya napaso.

Totoo ba ito?

Mahirap paniwalaan pero totoo.

Hawak ang nagbabagang bato, bumalik na siya sa kubo. Tiyak naghihintay na si Tandang Nado.

Nang umakyat siya, nakita niya si Mulong sa sulok ng kubo. Pero wala si Tandang Nado.

“Nasaan si Tandang Nado, Mulong?’’

“Hindi ko alam. Nandiyan lang siya kanina.”

Kinabahan si Anton.

(Itutuloy)

Show comments