^

Punto Mo

Social media influencer sa Australia, mistulang tinubuan ng ‘sungay’ dahil sa maling pagpaparetoke!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang TikTok influencer sa Australia ang nag-viral dahil tila tinubuan ito ng “sungay’’ dahil sa maling pagpaparetoke.

Nag-viral at naging laman ng news headlines sa Sydney, Australia ang 21-anyos na si Jessie Carr dahil sa palpak na “fox eye” procedure na naging sanhi para magmukha siyang “alien na may sungay’’.

Ang “fox eye” procedure ay ang uso ngunit kontrobersiyal na beauty trend ngayon sa Hollywood at iba pang western countries. Karamihan sa mga nagpapagawa ng procedure na ito ay mga kababaihan na Caucasian na gustong gayahin ang singkit o “slanted” na mata ng mga Asyano. Ang American model na si Bella Hadid ang isa sa nagpauso ng plastic surgery trend na ito.

Sa panayam kay Carr, sinabi nito na nagbayad siya ng $2,000 para sa procedure. Ngunit nasayang lamang ang malaking halaga na nagastos niya nang nagkaroon ng “protrusions” sa kanyang noo na tila mga sungay. Bukod dito, namaga ang kanyang noo na naging dahilan para magmukha siyang alien.

Agad bumalik sa kanyang plastic surgeon si Carr at binigyan siya nito ng paunang lunas sa inflammation ng kanyang mukha. Umabot ng ilang session sa doctor si Carr bago bumalik ang kanyang dating anyo. Ayon kay Carr, sobra niyang pinagsisihan ang pagpaparetoke at nangako na wala na siyang ipagagawa sa kanyang mukha kahit kailan.

vuukle comment

TIKTOK

VIRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with