^

Punto Mo

Rapper sa Spain, 2 araw nag-perform nang walang tigil para masungkit ang Guinness World Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 35-anyos na Briton na nagtatrabaho bilang guro sa Spain ang nakatanggap ng Guinness World Record sa titulong “Longest Rap Marathon” matapos mag-rap ito sa loob ng halos dalawang araw!

Umabot ng 39 hours, 37 minutes and 54 seconds ang freestyle rap performance ni Daniel Alcon o mas kilala sa kanyang stage name na DAIcon.

Naganap ang kanyang record breaking attempt sa Valencia, Spain kung saan naka-livestream ang kanyang performance upang mapanood ng kanyang mga tagahanga at kamag-anak sa U.K.

Ayon sa rules ng Guinness, mayroon lamang siyang five minute break sa bawat isang oras na pagra-rap. Sa loob ng 39 hours na performance, ang kinain at ininom lamang ni Alcon ay kiwi, grapes at maligamgam na tsaa.

Noong Abril 2021, sinubukan na niyang masungkit ang Guinness World Record ngunit nabigo siya matapos malaman na may nakahigit sa kanyang 35 hours na freestyle rap marathon. Kaya sa pangalawa niyang attempt, sinigurado niya na walang makahihigit sa kanyang performance.

Iniaalay ni Alcon ang kanyang world record title sa charity na Key Changes, isang charitable organization na tumutulong sa mga mental health patients sa pamamagitan ng music.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with