Ginger (24)

KINABUKASAN, kinausap ni Anton sina Ginger at Marie.

“Mula ngayon, magkasama na kayong dalawa dito sa opis ko. Dun ka pupuwesto Marie sa kabilang side—right side—para balanse ang ayos ng opis ko. May tanong ba kayo?’’

Nagsalita si Marie.

“E sino po Sir ang ookupa sa table ko sa labas?’’

‘‘Lalagyan ko ng tao ‘yun. Don’t worry.’’

‘‘Magha-hire po uli Sir ng bago?’’

‘‘Ah hindi na.’’

‘‘‘Yun pong ginagawa ko e ‘yun din ang gagawin ko rito sa loob.’’

“Exactly.’’

“Dapat po maliksing kumilos ang nasa labas dahil maraming paper works. Kailangan din na matalinong magpasya.’’

‘‘Alam na ni Ginger ‘yan. ‘Di ba Ginger?’’

‘‘Opo Sir.’’

‘‘Okey. May tanong ka pa, Marie.’’

“Wala na po.’’

‘‘Ikaw Ginger?’’

“Wala na rin po.’’

(Itutuloy)

Show comments