^

Punto Mo

Pikon na pikon...Heart, tinawag na ulol ang basher!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pikon na pikon...Heart, tinawag na ulol ang basher!             

Napansin lang namin napipikon na yata si Heart Evangelista sa kanyang bashers, lalo na ang trolls na laging ipinagduduldulan sa kanya na wala pa kasi siyang anak. Sa kanyang huling post, natawag na niyang “ulol” ang basher, na napaka-unlikely na sabihin ni Heart. Hindi naman siya ganun kung magsalita. Pero kung minsan hindi mo rin masisisi lalo na kung sobra na talaga ang panghihimasok sa buhay mo.

Una, bakit nga ba lagi nilang iginigiit ang hindi pagkakaroon ng anak ni Heart. Ang pagkakaroon ng anak ay hindi ginagawa. Iyan ay ipinagkakaloob ng Diyos. Kung minsan nga magtataka ka, ang mga walang maitutustos sa maraming anak, sila pa ang halos taun-taon buntis. Iyon namang gustong magkaanak na gaya ni Heart, na may kakayahan namang mag-alaga ng anak, hindi nagkakaanak.

Ang pagkakaroon ng anak, dumarating iyan sa takdang panahon. Walang makapagsasabi kung kailan. Minsan nga may mga babaeng gumagamit pa ng “pills” para huwag nang magbuntis, nabubuntis pa.

Sa kaso naman ni Heart at ni Chiz Escudero, sinasabi naman ng kanilang mga doctor na wala silang problema at parehong may kakayahang magkaroon ng anak.

Iyan ang isang masamang epekto ng social media eh, mas nagkaroon ng pagkakataon ang mga pakialamero na manghimasok sa buhay ng may buhay na epekto rin sa mga taong walang magawa, maghapong nakatunganga sa internet. Ngayon parang ang pakikialam yata ngayon ay nagi­ging “national past time” ng mga Pilipino.

Jerome, balik-Kapamilya

Pagkatapos daw ng kanyang serye sa TV5, babalik si Jerome Ponce sa ABS-CBN at isasama sa Ang Probinsyano. Bakit nga ba lahat na halos ng artista ay itinatambak nila sa Probinsyano? Nakita ninyo, pati si Sharon Cuneta na hindi na nila mabigyan ng show, isinaksak sa Probinsyano.

Baka wala na silang magawang ibang project kaya doon lahat inilalagay?

Pero sayang si Jerome, na malakas naman ang following tapos malalagay lang sa isang show na hindi naman siya mapapansin.

TV network, hindi na magpo-produce ng sariling show

Tama ba iyong narinig namin na ang plano raw ng isang network ay huwag nang mag-produce ng shows at hayaan ang content producers, kagaya ng ABS-CBN, Tape Inc., at iba pa na gumawa ng shows at mag-blocktime na lang sa kanila? Tutal naman daw wala silang makukuhang mga artista dahil lahat ng malalaki ay nasa GMA at sa ABS-CBN pa rin.

Kung pipiratahin naman nila ang stars, babayad sila nang mas malaki, tapos susugal sila sa shows na hindi sila sigurado. Kung mga blocktimer nga naman, wala silang pakialam kung malugi man at hindi mag-rate ang mga iyon. Basta hindi na makabayad, di palitan nila ng iba. Wala silang iniintinding obligasyon sa mga artista.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with