^

Punto Mo

Todo-todo na, halalan malapit na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

PASPASAN na sa kampanya ang mga kandidato, walong araw na lang mula ngayon boboto na ang mga Pinoy sa Mayo 9.

Ang kampanya, magtatapos sa Mayo 7.

Tapos nito tigil o pahinga at magkita-kita kung saan magkakaalaman na sa araw ng halalan.

Sa huling linggo ito ng campaign, dyan na mamamalas ang mas malalaking rali ng ibat-ibang kampo.

Kanya-kanyang grand ‘meeting de avance’ ang mga yan sa kanilang mga pipiliang lugar.

Kung namamasdan ninyo ang paligid, o hindi ba’t kahit tirik ang araw tila madilim na ang paligid. Kasi nga dahil sa  sangkaterbang campaign materials ng mga kandidato.

Ang mga paaralan, aba’y ngayon pa lang hindi mo aakalaing eskuwelahan dahil natakpan ng mga poster at banner ng mga politiko.

Daming mukha, na ginawa halos na banderitas sa maraming lugar.

Sige itodo ninyo na, at sana naman pagkatapos ng halalan kanya -kanya na lang na ligpit ng kalat.

Punong-abala na tanggapan ang Commission on Elections (Comelec) na nagpauna nang nagsabi na handang-handa na sila para sa darating na halalan.

Marahil, sa mga ganitong araw dapat na ring mapagtuunan ng pansin ng poll body ang pagpapaliwanag sa mga botante sa mga panuntunan at dapat na gawin sa loob ng polling places.

Kahit nakahanda na ang lahat, kung mayroon naman kalituhan sa isip ng isang botante lalo na ang mga first time voters, baka dito magtagal ang pagdaloy ng halalan.

Malaking bagay  na maipaliwanag ng Comelec sa mga botante ang mga do’s at don’t sa mismong polling places.

Sagutin na ang mga madalas na itanong, ipaliwanag ito sa mga botante para pagdating ng halalan kung hindi man maibsan ang babangong kalituhan, eh mababawasan man lang ito dahil sa maagang naipaliwanag na ng komisyon.

Malaking bagay na naipaskil ang listahan ng mga botante para alam nang ma-check ng voters kung saan silang saan ang kanilang voting precinct.

Pwede ayon sa Comelec na magdala ng kodigo ang isang botante, para may listahan na sya ng kanyag iboboto nang hindi na rin magtagal sa voting precinct.

Kasi naman, may iba na sa tagal nang ginawang mga kampanya ng mga kandidato, pag-upo pa lang sa voting precinct doon pa lang mamimili at mag-iisip.

Dapat matagal na nila yang napag-aralan at pagdating ng halalan isusulat na lang.

Pero sa lahat ng ito,  dapat na higit sa lahat na mabantayan at  pairalin ang ipinatutupad na health protocols.

‘Wag maging kampante, lalu nga’t bagamat hindi pa kaatasan pero may nakikita nang pagtaas na naman sa kaso ng COVID, kasama rito ang Metro Manila.

‘Wag sanang maging pasaway, wag magkakalimutan nang walang maging muling lockdown.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with