80 ostriches nakawala, nagdulot ng traffic sa isang city sa China!

NAGULANTANG ang mga motorista sa China nang magkabuhol-buhol ang traffic sa Chongzuo City, Guangxi Zhuang Autonomous Region dahil sa nakawalang 80 ostriches. Hindi makagalaw ang mga sasakyan dahil sa nagtatakbuhang ostrich.

Naging viral sa Chinese netizens ang dashcam video ng ostriches na sama-samang nagtatakbuhan sa isang intersection sa nasabing siyudad.

Ayon sa local news agency ng Chongzuo City, nagmula sa isang ostrich farm ang mga ito at nakatakas matapos makalimutan ng isa sa tauhan ng farm na ikandado ang kulungan.

Agad din namang nahuli ng may-ari ang 80 ostriches sa tulong ng mga awtoridad.

 

Show comments