^

Punto Mo

Nakumpiskang 809 kilos na shabu, wasakin na! – Eleazar

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: UMABOT sa 10,000 units ng tablets ang ipinamahagi ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos sa mga papasok na Grade 4 at transferee students ng siyudad para magamit sa schoolyear 2021-2022. Sa ginanap na turnover ceremony sa Addition Hills Integrated School, inabot din ni Abalos ang 70 units ng 70-inch TV sets kay Dr. Romela Cruz CESE, ang OIC ng Schools Division Office.

Ayon kay Abalos ang TV sets at tablets ay gagamitin ng mga estudyante at teachers sa online classes sa panahon ng pandemya.”Providing the proper equipment is part of our continuous efforts to help raise the level of online learning for all teachers and students,” ani Abalos. Hinikayat din niya ang mga teachers at parents na magpabakuna na para may depensa sila sa COVID-19, lalo na sa mabilis makahawa na Delta variant.

• • • • • •

Ipinasusunog na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang 809 kilos ng shabu na nakumpiska sa Zambales, Bataan at Cavite para maiwasan ang tinatawag na “recycling” at iba pang alingasngas na nakakasira sa imahe ng kapulisan.

Inutusan ni Eleazar si Brig. Gen Remus Medina, director ng PDEG, at ang PNP Legal Service na makipag-coordinate sa PDEA at korte para walang balakid na ang pagsunog sa shabu na nagkakahalagang P5.5 bilyon. Ang kahilingan ni Eleazar ay alinsunod na din sa utos ni President Digong na idispatsa na sa lalong madaling panahon ang mga nakumpiskang shabu para maiwasan ang akusasyon na “recycling” at iba pa.

Iginiit ni Eleazar na next to impossible ang “recycling” ng droga sa ngayon dahil pinahigpit na ng PNP ang kanilang mga patakaran sa chain of custody ng mga ebidensiya nila. Hindi lang ‘yan! Nakasaad din sa R.A. 9165 na magsagawa ng ocular inspection ang korte sa mga nasabat na droga 72 oras matapos maisampa ang kaso at 24 oras wasakin ito matapos ang pagbisita. Dipugaaaaaa! Walang kawala ang nakumpiskang droga ano?

Naniwala naman si Eleazar na pagbibigyan ng korte ang kahilingan niya dahil na rin sa Memorandum Circular ng Supreme Court sa mga Regional Trial Courts sa bansa na gawing prayoridad ang pagwasak ng droga na hawak nila limang kilo pataas. “In cases where the illegal drugs seized are physically brought to the court, the court shall issue the order of destruction thereof within 24 hours therefrom,” anang memo ng SC.

Ang shabu na nakumpiska ng PDEG at PDEA ang pinakamalaki sa taon na ito. Tiniyak ni Eleazar na nasa tamang custody ang mga nakumpiska nilang ebidensiya kaya lang nais n’yang masunog na ang shabu para magiwasang maging ugat ito ng kung anu-anong haka-haka na ang palaging naiwang luhaan ay ang PNP. Mismooooooo! Dipugaaaaaaa!

Sa utos ni Digong, lalong itinaas ni Medina at PDEA director Wilkins VIllanueva ang antas ng paghabol nila ng mga drug syndicates na nag-ooperate sa bansa para wakasan na ang operation nila bago matapos ang termino ng Presidente.
Harinawa! Dipugaaaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with