^

Punto Mo

EDITORYAL - Retraining ng mga vaccinator, nararapat

Pang-masa
EDITORYAL - Retraining ng mga vaccinator, nararapat

KAILANGAN nang isailalim sa retraining ang mga health worker na magbabakuna. Maraming beses nang may naitatalang pagkakamali at hindi ito dapat ipagwalambahala. Kung magpapa­tuloy ang mga pagkakamali, malalagay sa peligro ang mga babakunahan.

Noong Hunyo, dalawang health workers ang hindi naiturok ang bakuna. Hindi nila nadiinan ang heringgilya para maipasok ang vaccine sa taong baba­kunahan. Walang naibakuna sa tao. Na-videohan ang pangyayari kaya naireport sa Department of Health (DOH). Sabi ng DOH, dapat unawain ang health workers na nag-volunteer na mag-vaccinate dahil hindi maiiwasang magkamali sa sobrang dami ng kanilang binabakunahan.

Noong nakaraang linggo, isa na namang pagka­kamali ang nangyari na may kaugnayan din sa pagbabakuna. Mas delikado ang nangyari sapagkat ibang brand para sa second dose ang naiturok sa lalaking senior citizen. Nangyari ang insidente sa Mandaluyong City.

Ayon sa maybahay ng 64-anyos na lalaki, Si­novac umano ang itinurok sa kanyang asawa na dapat ay AstraZeneca dahil ito ang ibinigay sa first dose. Nakalagay naman umano sa vaccination card ng kanyang asawa na AstraZeneca vaccine ang unang itinurok pero bakit Sinovac ang binigay sa pangalawang dose. Hindi man lang daw nagtanong ang vaccinator at hindi rin nagbasa kung ano ang ituturok, basta tinurukan na lang daw ang kanyang asawa. Inoobserbahan pa ang lalaki sa Mandaluyong.

Halos ganito rin ang nangyari sa Davao, kung saan ibang brand and naiturok sa second dose. Ino­obserbahan din ang lalaki sa epekto ng magkaibang bakuna.

Sabi ng DOH, iimbestigahan ang mga nangyaring pagbakuna ng ibang brand. Puro imbestiga na lang ba ang DOH? Paalala naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa local government units na dapat isang brand lang ng bakuna ang nasa vaccination site.

Panahon na para isailalim sa retraining ang mga vaccinator o nagbabakuna. Kapag hindi sila naisa­ilalim sa retraining, mauulit ang mga nangyari at baka mas malubha pa. Huwag nang hintayin na mangyari uli ang pagkakamali.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with