_pang-masa
^

Punto Mo

19-anyos na dalaga sa Vietnam, ipinaretoke ang mukha makaraang ikahiya ng nobyo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAINIT na pinag-uusapan ng Vietnamese netizens ang tungkol sa isang dalaga mula sa Dak Lak province na ipi­naretoke ang halos buo niyang mukha dahil iniwan siya ng nobyo dahil sa kanyang hitsura.

Naging instant online celebrity si Nguyen Tuong Vy sa mga Vietnamese social media websites matapos niyang i-share ang kanyang mga lumang litrato bago sumailalim sa ilang extensive plastic surgery.

Maraming hindi makapaniwala na iisang tao lamang ang pinagtabing before and after picture ng dalaga.

Ayon kay Tuong Vy, nagdesisyon siyang magparetoke nang kanyang malaman na ayaw siyang ipakilala ng kanyang boyfriend sa mga kaibigan nito dahil ikinakahiya ang kanyang hitsura.

Dahil naging traumatic ang karanasan na ito kay Tuong Vy, nakiusap siya sa kanyang ina na payagan siya nito na magparetoke ng mukha upang tumaas ang kanyang self confidence sa sarili.

Hindi nahirapang kumbinsihin ni Tuong Vy ang ina. Bukod sa binigyan siya ng permiso, pinangako rin ng ina na siya ang gagastos sa lahat ng kanyang plastic surgery procedure.

Pagkatapos maka-gra­duate ng Grade 12, sini­mulan na ni Tuong Vy ang kanyang plastic surgery journey at sumailalim siya sa ilang procedure tulad ng nose reshaping, cheek fillers, lip and chin fillers at marami pang iba.

Matapos ang procedures, mabilis siyang nakatanggap ng mga papuri dahil sa kanyang bagong mukha. Dahil dito, naging malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ex-boyfriend dahil kung hindi sa kanya, hindi niya maiisipan na magparetoke.

Sa kasalukuyan, hindi pa muling nagkikita si Tuong Vy at ang kanyang ex-boyfriend pero ayon sa dalaga, pina-follow siya nito sa kanyang mga social media accounts at araw-araw nitong nila-like ang kanyang posts.

VIETNAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with