_pang-masa
^

Punto Mo

Kompanya sa China, binatikos nang maglagay ng timer sa comfort room!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATINDING binatikos ng Chinese netizens ang technology company na Kuaishou matapos kumalat sa iba’t ibang social media platforms ang mga litrato at mga video kung saan binibilangan ng digital timer ang bawat empleyado na gumagamit ng toilet cubicle!

Makikita sa mga nag-viral na litrato at video na may naka-install na digital timer sa bawat cubicle ng CR at may sensor ito sa mga pinto na magti-trigger magsimula ng pagbibilang ng oras kapag may gumalaw ng doorknob

Bumuhos ang mga negatibong reaksiyon mula sa netizens at inakusahan ang kompanya ng paglabag sa human rights at privacy ng kanilang mga empleyado.

Dahil sa masamang feed­back na kanilang natanggap, naglabas ng press release ang kompanya at ipinaliwanag na ang paglalagay nila ng timer sa CR ay hindi para kontrolin ang oras sa CR at pagkaitan ng privacy ang kanilang mga empleyado.

Ito raw ay para solusyunan ang “toilet shortage” ng opisina dahil nagrereklamo ang ilang empleyado na madalas puno at walang bakanteng cubicle sa tuwing sila’y pupunta sa CR.

Kahit nakapagbigay ng paliwanag ang kompanya, hindi kumbinsido ang karamihan ng netizens dahil ilang kompanya na sa China ang mino-monitor kung gaano katagal gumamit ng CR ang kanilang empleyado upang tumaas ang work output ng mga ito.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paggamit ng timer sa mga comfort room ng Kuaishou office building.

SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with