^

Punto Mo

EDITORYAL - Gising DepEd!

Pang-masa
EDITORYAL - Gising DepEd!

NATUTULOG ang Department of Education (DepEd­). Nalulusutan sila ng mga malalaswang salita na nasa module na ginagamit ng mga estudyante. Napupurga ang mga murang isipan ng mga bata sa mga hindi kanais-nais na salita na nababasa sa module. Habang tumatagal, pabastos nang pabastos ang mga salitang ginagamit sa module na walang pagkakaiba sa mga bastos na tabloid. Kailan magigising ang DepEd para rebyuhin ang nilalaman ng mga ipinamamaha­ging module sa mga estudyante? Nag-aaksaya pa ba sila ng panahon dito o hindi na? Saan tutungo ang edukasyon ng mga batang napurga sa malalaswang salita?

Umaani na naman ng batikos ang DepEd ngayon makaraang isiwalat ng educator na si Antonio Calipjo-Go ang mga malalaswang salita sa module na ginagamit ng mga estudyante sa senior high school. Dumalo sa hearing ng House committee on public accounts si Go at ikinuwento niya na apat na magulang mula sa Pampanga ang lumapit sa kanya at sinumbong ang mga malalaswang salita sa modules na ginagamit ng mga anak nito.

Ipinakita ni Go sa hearing ang kopya ng module kung saan ay topic ang tungkol sa aswang, tiyanak, kapre, at maligno. Ang kahulugan ng aswang ayon sa module ay: “Siya rin ay isang diyos pero ang Aswang ay pinaniniwalaan na ito’y tao na kumakain ng kapwa tao, kung minsan ang mga ito ay pinapaniwalaan na may mga pakpak at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng makakantot or maaaswang.”

Hindi ito ang una na binatikos ang DepEd dahil sa malalaswang salita na nasa textbooks o modules. Noong nakaraang Setyembre 2020, mga bastos na pa­ngalan ang nakasaad sa learning modules na ginaga­mit ng mga senior high school students. Bulgar ang kabastusan. Ang mga pangalan ay naglalarawan ng kalaswaan. Ilan sa mga pangalang bastos na ginamit sa module ay “Pining Garcia”, “Malou Wang’’, “Abdul Salsalani’’, at “Tina Moran”. Natunton ang gumawa ng modules na isang guro sa bayan ng Palauig, Iba, Zambales. Hindi naman nabatid kung anong hakbang ang ginawa ng DepEd laban sa guro. Wala nang nabalita ukol dito. Tinulugan ng DepEd?

Sa bagong kontrobersiya ng bastos na salita na inilantad ni Go, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na iniwasto na raw nila ang malaswang salita. Ginawan na raw ito ng errata ng division office.

Kailan magiging responsible ang DepEd para ma­iwasan ang mga ganitong malalaswang salita na nakaka-pollute sa isipan ng mga kabataan? Gising na DepEd!

 

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with