_pang-masa
^

Diet ni Queen Elizabeth

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

SA edad na 95, nalampasan ng Reyna ang average life expectancy ng mga kababaihan sa United Kingdom ng halos isang dekada. Narito ang dahilan kung bakit mahaba ang buhay niya at nananatili siyang healthy:

1. Sa halip na malaking meals 3 times a day, mas pinipili niyang kumain siya ng tig-kakaunting pagkain, 4 times a day. Tama ang ginagawa ni Queen Elizabeth dahil:

“University of Cambridge researchers estimate that smaller packages and portion sizes could help us cut our daily food consumption by about 25 percent, and according to a report from the McKinsey Global Institute, reducing portion size is the most effective way to fight obesity.”

2. Dark chocolates ang kanyang kinakain. Hindi siya mahilig sa white chocolate or milk chocolate.

3. Seasonal produce lang ang kanyang kinakain. Halimbawa, kumakain lang siya ng strawberries tuwing summer dahil iyon ang panahon na namumunga nang marami ang strawberries. Kapag winter, hindi siya kumakain ng nabanggit na prutas kahit pa available ito sa market. Naniniwala siya na hindi mainam kumain ng out-of-season fruits or vegetables dahil ang mga ito ay nanggagaling pa sa malalayong lugar bago makarating sa mga tindahan. Ang resulta ay nakokompromiso ang kanilang nutritional value partikular ang Vitamin C.

“Research from Bangladesh found that tomatoes lose more than half their vitamin C over the course of eight days.”

4. Laging kumakain nang maraming isda. Paborito niya ang salmon na mayaman sa omega-3. Ayon sa pag-aaral, lumalakas ang memorya ng isang tao matapos uminom ng omega-3 supplement araw-araw sa loob ng 6 na buwan. Kaya kahit 95 na, sharp pa rin ang pag-iisip ni Queen Elizabeth.

5. Mahilig uminom ng tsaa. Ang paborito niya ay Earl Grey tea na mainam magpababa ng cholesterol at pumipigil sa sakit sa puso. Mayroon itong bergamot na nagtataglay ng enzymes na tinatawag na hydroxyl methyl glutaryl flavonones na tumutunaw ng isang klase ng protina na nagi­ging sanhi ng sakit sa puso.

“Let’s build wellness, rather than treating disease” – Dr. Bruce Daggy

QUEEN ELIZABETH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with