^

Kahit saan magtago

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

ANG matandang lalaki ay nagulat kung bakit tinitingnan siya nang masama ng lalaking nakaitim. Ayon sa pagkakaalam ng matandang lalaki, ang lalaking nakaitim ay si Azrael, ang anghel ng kamatayan. Nangatal ang lalaki sa sobrang takot kaya siya ay pumunta kay Solomon, ang pantas na propeta.

Maraming bisita si Solomon nang araw na iyon. Sila ang mga taong humihingi ng payo mula sa matalinong propeta. Nakita kaagad ni Solomon ang matandang walang tigil ang pangangatal.

“Halika, lumapit ka rito. Anong dahilan at walang tigil ang pagkatal ng iyong katawan?”

“Mahal na propeta, nangangatal ako sa takot dahil nakita ko si Azrael. Tiningnan niya ako nang masama. Ibig bang sabihin noon ay malapit na akong mamatay? Gusto kong pagtaguan siya. Ayoko pang mamatay!”

“Ano ang gusto mong gawin ko?”

“Dalhin mo ako sa bayan ng aking mga ninuno, sa Nepal. Doon ako magtatago.”

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Solomon ay inutusan niya ang hangin na dalhin ang matanda sa Nepal. Kinabukasan ay nakita ni Solomon si Azrael na nasa tapat ng kanyang bahay.

“Bakit ang sumbong sa akin ng isang matandang lalaki kahapon ay tinitingnan mo raw siya ng masama?”

“Hindi ko siya tiningnan nang masama. In fact, nahiwagaan ako kung bakit ko siya nakita dito. Ang utos sa akin ni Ama ay sunduin ko siya sa Nepal ngayong araw na ito, pero takang-taka ako kung bakit siya narito kahapon. Napatitig ako sa kanya dahil iniisip ko kung paano nangyari na ang taong susunduin ko sa Nepal ay narito sa Israel?”

“I’m trying to beat life, because I can not cheat death” – Unknown

KAMATAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with