Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Part 2)
ITO ay kuwento ni Anthony Fuina, isang real state broker na na-diganosed na may malaking tumor sa kanyang colon noong Pebrero 1997. Masyadong malaki na ang tumor kaya inoperahan siya noong Marso 1997.
Matapos ang operasyon, isinagawa ang biopsy sa inalis na tumor. Sabi ng mga doktor, malalaman ang resulta ng biopsy ng Marso 7, 1997.
Tatawagan umano siya ng doktor sa telepono para sa resulta.
Habang hinihintay niya ang resulta ng biopsy, hindi maipaliwanag na pakiramdam ang nadama ni Anthony. Nakaramdam siya ng pagkabalisa.
Umaga pa lamang ng Marso 7 ay nag-aabang na siya sa pag-ring ng phone.
Hanggang may marinig umano siyang ingay sa unahang pinto ng bahay. Nang puntahan niya kung ano ang ingay, nagulat siya sa nakita.
Isang package ang nasa may pinto. Nang buksan niya, isang statue ng angel. Nakalagay sa note na iyon ay para sa misis niya.
Nang hawakan niya ang statue ng angel, nakadama siya ng init at kakaibang pakiramdam. Nagkaroon siya ng closeness sa angel. Inangkin na niya ang statue kahit ito ay para sa kanyang misis. Tinawag niyang Victoria ang angel.
Kasunod ay nagdasal siya at hiniling dito na magkaroon ng positibong balita ukol sa biopsy report na hinihintay niya.
Hanggang sa mag-ring ang phone. Agad niyang sinagot dahil baka ito na ang tawag ng doktor. Pero hindi ang doktor ang tumawag kundi ang kanyang real state agent. Kailangan daw na dalhin niya sa lalong madaling panahon ang mga susi ng bahay na ibinibenta para makita ng buyer. Kailangan daw madala ang mga susi sa loob ng 15 minuto.
Nagmamadali si Anthony. Hindi na hinintay ang tawag ng doktor, kinuha ang mga susi. Isinilid naman niya sa bulsa ang statue ng angel at umalis ng bahay. Umuulan noon. Madulas ang kalsada. Kailangan niyang makarating sa lugar sa loob ng 15 minuto. Hanggang isang tao ang kumaway sa kanya. Gustong makisakay sa kotse niya. (Itutuloy)
- Latest


















