^

Punto Mo

Tres Queridas (32)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY ang paghampas nang malalaking alon sa gilid ng ferry, ngunit mas nakakabingi ang bagyo sa isipan ni Celeste. Nakatitig lang siya sa kawalan habang yakap ang kanyang bag.

Bumalik sa kanyang alaala ang unang araw na nagkita sila ni Carlo. Anim na taon na ang nakararaan. Isang maulan na gabi sa labas ng charity gala na inorganisa ng Vergara Shipping. Nasiraan ang sasakyan ni Celeste, at biglang dumating ang isang pickup na minamaneho ni Carlo. Walang pag-aalinlangan ay tumigil ito at agad siyang inalok ng payong. Tinulu­ngan siya nito, pinatawa, at alam ang eksaktong kape na gusto niya habang naghihintay ng towing service.

Sa loob ng limang taon, paniwalang-paniwala si Celeste na parang eksena sa KDrama ang pagtatagpo nilang iyon. Ngunit habang inaalala niya ito ngayon, unti-unting kinikilabutan siya sa bawat detalye nito. Alam ni Carlo ang schedule niya. Alam nito kung saan siya dadaan. Bawat matamis na salita, bawat mala-knight in shining armor na pagsagip nito sa bawat problema niya, lahat iyon ay pinlano para makuha ang tiwala niya.

Dahan-dahang lumi­ngon si Celeste. Pinagmasdan niya si Diana na kasalukuyang iniintindi ang nahihilong si Lani.

Kumunot ang noo ni Celeste. Kung paghihiganti sa pamilya niya ang nag-iisang motibo ni Carlo... bakit kailangan niya ng dalawa pang asawa? 

Gulung-gulo na ang isipan ni Celeste. Kung gustong sirain ni Carlo ang pamilya niya, bakit kailangan pa niyang mag-asawa ng iba? Hindi mayaman sina Diana. Isang simpleng saleslady naman si Lani na walang koneksiyon sa matataas na tao. Kung sapat na si Celeste para makapasok si Carlo sa Vergara Shipping, anong silbi ng dalawang babaing ito?

“Diana,” basag ni Celeste sa katahimikan. Nanlalamig ang kanyang boses.

Napatingin si Diana, nakangiti. “Bakit?”

Humakbang si Celeste papalapit sa dalawa. Puno ng pagdududa ang kanyang mga mata. “Naiintindihan ko na kung bakit niya ako pinakasalan ni Carlo. Ako ang susi niya para makapasok sa pamilya ko. Pero kayo... anong silbi niya sa inyo?”

Nagkatinginan sina Diana at Lani, parehong naguguluhan.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Diana.

“Lahat ng ginagawa ni Carlo ay may dahilan, Diana. Bawat galaw niya, kalkulado,” seryosong sagot ni Celeste. (Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with