^

Punto Mo

Paano kung mali ang diagnosis sa COVID-19?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MAY nabasa akong post sa Facebook na inirereklamo ng netizen ang isang malaking ospital na sumingil sa kanya ng P5,000 para sa isinagawang test sa kanya na lumabas na positibo siya sa COVID-19. Hindi ko matandaan ang ibang detalye kung paano pero  ipinahiwatig niya na, nang magpatingin siya sa ibang ospital, nagnegatibo siya sa naturang sakit at mas mura ang ginawang test sa kanya. Hindi binanggit ang petsa kung kailan siya nagpatingin sa unang ospital at sa pangalawang ospital. Posible kasing sa pagitan ng paglabas niya sa unang ospital at bago siya pumunta sa pangalawang ospital ay nahawahan siya ng sakit. O baka merong mali sa  procedure na ginawa sa kanya sa unang ospital.

Mayroon din akong nabasang komento sa FB na iginigiit na sakit sa puso o ibang karamdaman ang ikinamatay ng isang tao pero idineklarang COVID ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Hindi ko naman kinukuwestiyon ang mga datos na ipinapalabas ng mga awtoridad hinggil sa  bilang ng mga kaso ng Covid. Ang ibig ko lang sabihin, siguro dapat ding repasuhin ang mga naitatalang kaso ng mga nahawahan o hininalang nahawahan o yung mga walang sintomas pero nagpositibo sa virus.

Paano kung merong mali sa ilang isinagawang mga laboratory examination tulad ng swab test, reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR), chest ct-scan at iba pa o kaya merong diperensiya sa pagbasa sa resulta ng mga test na ito  o kaya mali ang diagnosis ng doktor?

Hindi ba malayong mangyari ito sa sitwasyon na napakarami ng mga pasyenteng tinitingnan o inoobserbahan sa naturang sakit na lubhang nakakapagpapagod sa health workers na posibleng makaapekto sa kalidad ng kanilang trabaho? Sayang din kasi ang 14 na araw  na quarantine na pinagdadaanan ng isang nagpositibo o hininalang nahawahan ng sakit kung mali naman pala ang diagnosis sa kanya.

May mga pagkakataon kasi na, sa ibang klase ng mga sakit, nagkakamali rin sa ilang mga medical test tulad halimbawa sa ultrasound. Sa karanasan ko sa pagpapatingin sa ilang manggagamot, merong nagsabi sa akin na posibleng may mali sa isang procedure kaya kailangang obserbahan ang pasyente sa loob ng isang takdang panahon bago ulitin muli ang medical test.

Ilang taon na ang nakararaan, dalawang magkaibang doktor (isang internal medicine at isang surgeon) ang nagdeklarang dapat operahan ako at tanggalin ang aking gall bladder para malinawan kung ano ‘yung nakita rito sa ultrasound o kung bato ba ito. Pero nang subukan kong magpatingin sa isang gastroenterologist, pinag-fasting niya ako nang limang araw (walang kakaining mamantika) bago pinaulit ang ultrasound. Lumabas na cholesterol lang ang nasa gall bladder ko at hindi kailangang operahan.

Minsan din, pinatingnan ko sa isang EENT doctor ang pananakit ng aking kaliwang taynga. Meron daw impeksiyon kaya niresetahan ako ng gamot para rito. Kaso, limang araw na ang dumaan ay nananakit pa rin ang aking taynga. Naisipan kong kalikutin ng isang daliri ang loob ng aking taynga hanggang may makapa ako at dahan-dahan ko itong hinugot hanggang mailabas ko ang isang earbud ng earphone na naiwan sa loob ng aking taynga makaraan kong gamitin. Biglang nawala ang pananakit ng aking taynga sabay pagkadismaya sa doktor at panghihinayang sa ipinambili ko ng gamot kahit pa sabihing meron akong health insurance.

Kaya nga, sa mahabang listahan ng mga kaso ng COVID, hindi ba posibleng baka meron dito na mali lang ang diagnosis?

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with