^

Lahat ng COVID-19 virus sa mundo, magkakasya sa isang lata, ayon sa mathematician

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

LAHAT ng virus na sanhi ng COVID-19 pandemic ay magkakasya umano sa isang lata ng softdrinks, ayon sa kalkulasyon na isinagawa ng British mathematician.

Sa anumang sandali raw, ayon sa Bath University maths expert na si Kit Yates, ay nasa two quintillion (2,000,000,000,000) ang kabuuang bilang ng buhay na COVID-19 virus sa buong mundo.

Kung ipagpapalagay raw na 100 nanometers ang lapad ng bawat isa sa mga virus na ito at kahit isama pa ang katiting na espasyo sa pagitan nila, hindi pa rin daw aabot ang mga ito ng 330 milliliters, na karaniwang dami ng isang lata ng softdrinks.

Ginawa ni Yates ang pag-aaral upang maipakita kung gaano kaliit ang virus na dahilan ng milyun-milyong kamatayan at kahirapang nararanasan ngayon sa buong mundo.

Tinatayang nasa 111 milyon na ang nahahawa sa COVID-19 samantalang 2.4 milyong katao naman sa mga ito ang namatay dahil sa nasabing virus.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with