^
EDITORYAL - Bird flu

EDITORYAL - Bird flu

(Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

NAKABABAHALA ang inihayag ng Deparment of Health (DOH) tungkol sa bird flu o Avian influenza na naipapasa sa tao. Ang balita ukol sa bird flu ay ipinaalam ng World Health Organization (WHO) makaraang mapabalita na pitong manggagawa sa isang poultry farm sa Southern Russia ang tinamaan ng bird flu bagama’t hindi naman umano seryoso ang sakit. Nakuha ang bird flu sa mga inaalagaang manok. Naipapasa ang sakit dahil sa pagkalanghap o kontaminasyon sa dumi ng mga infected na manok. Pinaniniwalaang ang hindi maingat na paghawak sa mga maysakit na manok ang dahilan kaya naipapasa ang sakit sa tao. Karaniwang mga bansa sa Asia ang apektado ng bird flu. Unang naitala ang kaso ng bird flu na naipasa sa tao noong 1993 sa Hong Kong. Lumaganap din ang bird flu sa China at Vietnam.

Noong Hulyo 2005, nakita ang unang kaso ng bird flu sa bansa sa isang maliit na manukan sa Calumpit, Bulacan. Gayunman, hindi mapanganib sa tao ang nasabing strain ng bird flu. Pinaniniwalaan din na ang naghatid ng bird flu sa bansa ay ang mga migratory bird na taun-taon ay lumilipat dito para tumakas sa grabeng lamig. Naipapasa umano ng migratory birds ang sakit sa mga manok at iba pang ibon.

Karaniwang sintomas ng bird flu ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.

Hindi lamang DOH ang dapat maging alerto sa bird flu kundi pati na rin ang Bureau of Customs (BoC). Maraming nag-i-smuggle ng manok sa bansa. Ito ang dapat bantayan at baka makalusot. Maaring sa mga smuggled chicken galing ang bird flu. Isa pang dapat maging mapagmatyag ay ang Department of Agriculture (DA).

Sunud-sunod na sakit ang mga tumatama ngayon sa buong mundo. Hindi pa nakakaahon sa mapaminsalang COVID-19 ay eto at pumuporma na ang bird flu. At pati na ang African Swine Fever (ASF) ay nakikipagkarera rin para makapaminsala. Kaya narararapat ang ibayong paghahanda at pag-iingat para makaiwas sa mga sakit na ito. Hindi dapat maging kampante. May leksiyon na sa ginawang pananalasa ng COVID.

BIRD FLU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with