Hindi ako susuko (104)

GULAT na gulat si Reagan nang makita kung sino ang kanyang bisita. Si Sir George. Pamangkin ni Sir Abe.

“Reagan, kumusta ka?’’

“Sir George welcome back!’’

“Hindi mo inaasahan   ang pagdating ko ano?’’

“Oo nga po Sir George! Nagulat po ako.’’

Inanyayahan ni Reagan na maupo si Sir George.

“Paano mo nalaman na narito ako Sir George?’’

“Madali nang magha-nap ng mga kakilala at ka­ibigan ngayon, Reagan. Social media. Na-trace kita dahil sa FB, ha-ha-ha!’’

“Mayroon ka pong binigay na number sa akin nung huli tayong magkita. Sorry po at hindi kita natawagan man lang. Naging busy na po ako sa maraming bagay.’’

“I know Reagan. Ang katulad mong masipag at matiyaga ay talagang la-ging busy at nilalapitan ng suwerte. Isa pa, hindi mo na ako makokontak sa number na binigay ko sa’yo dahil nagbago na ako ng number.’’

“Ganun po ba?’’

“Kaya ako na ang gumawa ng paraan para ka mahanap at succesfull dahil magkaharap na tayo ngayon, ha-ha-ha!’’

“Kumusta na po ang buhay Sir George. Tingin ko po e payapang-payapa ka. Nakikita ko po sa inyong mukha.’’

“Aba at marunong ka na palang bumasa ngayon ng mukha, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Reagan.

“Mabuti naman ang buhay ko, Reagan. Habang nasa Dubai ako, nakapag-asawa ako roon ng isang mabait na Pinay teacher. Mayroon na kaming dalawang anak – isang lalaki at isang babae. Maganda rin ang trabaho ko sa isang airline company – sa supply department – at malaki ang suweldo.’’

“Congrats po Sir George.’’

“Siguro ang mga inaapi ay nilalapitan ng suwerte, Reagan. Ang mga nilalait-lait ay may grasyang kapalit at sobra-sobra pa.’’

“Totoo po yan Sir George.’’

“Di ba natatandaan mo na pinalayas ako sa bahay ni Tiyo Abe nun at parang basahan na tinapon makaraang pagsilbihan ko ang kanyang ama. Siguro kilala mo pa ang sinasabi ko, Reagan. Natatandaan mo pa kung sino ang babaing ‘yun.’’

“Opo. Tandang-tanda ko po. Hindi ko po malilimutan.’’

Nagtawa si Sir George.

“Ano na po ang balita sa babaing ‘yun, Sir George?’’

(Itutuloy)

Show comments