Ang malaking suweldo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

SI J at ang mister nito ay parehong nagtatrabaho kaya ang dalawa niyang anak, isang babae (11 taong gulang) at lalaki (7 taong gulang) ay sa mga katulong lamang naiiwan.

Isang araw ay naiwan ng anak na babae ni J ang  cell phone nito sa bahay. Nasa school noon si M, ang kanyang anak. Nag-signal ito na may dumating na text message. Dinampot nito ang cell phone ng anak at binasa ang mensahe.

“Kumusta na M? Miss na kita. Sana ay sumama ka ulit kay Neneng kapag namalengke siya para magkita tayo. Tsup!”

Walang pangalan. Mukhang sinadya ng kanyang anak na huwag i-register ang pangalan at number ng texter na iyon sa kanyang cellphone para nga naman safe sakaling may aksidenteng makialam ng cell phone. Sa totoo lang, kinilabutan si J nang mabasa ang salitang “TSUP”. Mahabaging birhen…ang anak niyang 11 years old…pinapaliguan pa niya at binibihisan ng uniform ay nakikipag-tsup-tsupan na sa text?

Ang binanggit na Neneng ay cook nila kaya ito rin ang nakatokang mamalengke. Sinagot ni J ang text message at nagkunwaring siya si M. Nagbigay siya ng araw, lugar at oras na magkikita sila. Kinabukasan ay niyaya niya sina  Neneng at M sa palengke. Sama-sama silang nagpunta sa lugar na binanggit niya kay Mr. Tsup.

Bingo! Naroon si Mr. Tsup dahil nakangiti na ito pagkakita kay M at Neneng. Pero sandali lang iyon dahil kasunod nito ay pamumutla ng pobre pagkakita kay J.

Isang 18 taong gulang na tambay si Mr. Tsup at kabarkada ng boyfriend ni Neneng. Pinalayas niya si Neneng at ipinabarangay niya si Mr. Tsup. Nagkaroon ng kasunduan ang dalawang panig na hindi na makikipagkita ang dakilang tambay sa kanyang anak kahit kailan. Kapag ito’y sumira sa kasunduan ay sasampahan na niya ito ng kaukulang kaso.

Nag-resign sa trabaho si J.  Maghapon niyang binabantayan sa school ang anak. Dati’y nanghihinayang siya sa P40,000 monthly salary na mawawala kaya ayaw niyang iwan ang trabaho. Pero ngayon, mawala man ang anumang yaman sa kanya, huwag lang madagit ang kanyang anak ng isang mapagsamantalang tambay.

SALARY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with