^

Punto Mo

Kinky hair

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

LIMA silang magkakabarkada. Mabait naman ang apat pero ang isang ito ang katangi-tanging mapanlait. Magkamali ka lang ng  pronunciation ng English word ay pagtatawanan ka na. Ikokorek ka pa niya sa harap ng maraming kaklase. Minsan kinatuwaang pansinin ng nakababatang kapatid na lalaki ang pinong kulot na buhok ng isa sa barkada, si Melinda.

Sabi nito kay Melinda, “Ang buhok mo magandang gupitin at gawing steel wool” sabay halakhak nang tawa.

Huling-huli ni Melinda na nagtatawa rin ang kanyang barkada. Hindi man lang pagsabihan ang kapatid na nambabastos sa kanya. Noon niya napagtanto na magkakapatid palang bastos ang mga ito. Buti na lang at matibay sa laitan si Melinda na nasagot kaagad ang nanlait sa kanya.

“Oo nga, ang tigas nitong buhok ko. Maganda itong ipanghilod diyan sa batok mong puno ng libag. Aba, kaunti namang hilod-hilod diyan at baka may tumubo na diyan kamoteng kahoy! Ha ha ha”.

Hindi na nagtaka si Melinda nang ang tatlo lang niyang kabarkada ang kinuha nitong bridesmaid nang ikasal si Barkadang manlalait. Hindi siya isinali. Tanging siya lang din ang hindi kinuhang ninang ng mga anak nito. Siya lang kasi sa magkakabarkada ang pumapatol sa ugali nitong mapanglait.

Fast forward tayo sa kasalukuyan. May naipundar na catering business si Melinda. Noong panahon ng pandemya, tuluy-tuloy pa rin ang negosyo nito sa online. Nagdedeliber ito ng mga luto nang pagkain na umasenso sa kabila ng covid-19 scare. Minsan ay nagkita sina Melinda at barkada nitong si Miss Manlalait.

“Friend, walang trabaho ang brother ko, baka naman puwedeng mag-aplay sa iyo. HRM graduate siya. May 2 years experience sa restaurant.”

“Friend pasensiya na. Sobra na ang aking staff. Hindi ko lang matanggal dahil matagal nang naglilingkod sa akin. Kawawa naman kung mawawalan ng trabaho.”

Sa bahay napangiti si Melinda. Ang totoo ay naghahanap siya ng isa pang staff. Ang brother na ipinapasok ng kanyang barkada ay ‘yung nanlait sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang sakit ng kanyang kalooban nang laitin ang kanyang kulot na buhok. Noon pa naman ay pangit ang tingin niya sa sarili dahil sa kinky hair niya. At saka masama rin ang loob niya sa barkada niyang manlalait dahil siya lang sa mga magkakabarkada ang hindi isinali sa wedding entourage nito.

Sabi nga ng propesor nila, maging mabait kahit sa pinakaabang elevator boy dahil ito ang magdadala sa iyo sa itaas. Kung minsan, kung sino ang minamaliit mo, iyon ang hihingan mo ng tulong sa darating na panahon para makarating ka sa tugatog ng tagumpay.

HAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with