^

Punto Mo

Walang paki ang gobyerno kung mag-hunger strike kayo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALAKI ang pagkakaiba ng sinasabing academic break sa academic strike. ‘Yung una, nakikiusap, humihiling ng pagpapaliban muna ng panahon ng eskuwela.

‘Yung academic strike, nagbabanta, nagmamaktol, nagpapapansin. Ako, bilang magulang ang unang papalag sa kalokohang tulad nito.

Etong mga estudyante ng Ateneo De Manila, umano’y hindi magpapasa ng kanilang mga academic requirement ngayong darating na Miyerkules.

Ito raw ang kanilang gagawin hangga’t hindi inaayos ng pamahalaan ang pangangasiwa sa bansa na may kinalaman sa pandemya’t kalamidad.

Holy cow! Alam ba ng mga nagpapaaral sa inyo ito? Etong mga estudyanteng ‘to, palamunin pa lang ng kanilang mga magulang eh kung umasta akala mo kung sino.

Siguro, ang dapat n’yong sabihan ay ‘yung mga Jesuits at mga ari n’yo diyan sa Ateneo para i-relay ang ngawang panawagan n’yo.

Una, sinuwag n’yo ang inyong mga magulang na nagbabanat ng buto para pag-aralin kayo. Ikalawa, nilabag n’yo ang panuntunan ng unibersidad na gampanan ang inyong responsibilidad bilang mga mag-aaral.

‘Yan ba ay talagang pagiging makabayan? Bakit ‘di na lang kayo mamundok kung talagang matindi ang inyong “pagmamahal sa bayan”.

Subukan n’yo kayang maging iskolar ng bayan nang maramdaman ang pangambang “hanggang kailan” pa ang prebilehiyong makapag-aral.

Kung ako ang magulang n’yo, hindi uubra sa akin ang ganyang kabalbalan. Itutuwid ko ang baluktot na paniniwala n’yo’t pag-aarte.

Pakialam ng gobyerno sa pagmamaktol n’yo? Kayo naman ang babagsak ang mga grado. Kayo rin ang mahihirapan na ipasa ang inyong akademya at kayo naman ang mawawalan ng magandang kinabukasan.

O mga magulang, kayo ba ang pinalalaki o mina-manage ng mga pasaway n’yong anak?

 

vuukle comment

HUNGER STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with