_pang-masa
^

Punto Mo

Huwag bili nang bili ng lupang sakahan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KUNG marami akong pera, hindi ko iyon ibibili ng farm. Sa halip, gagamitin ko iyon para mamili ng bahay at lote dito sa Metro Manila. Mabilis pang ibenta kung magsawa ka  o emergency na kailangan mo ang pera.

May isang lalaki na noong umasenso ang buhay ay namili ng farm sa kanyang probinsiya kahit namumuhay silang mag-anak sa Metro Manila. Mabilis dumami ang agricultural land na kanyang nabili. Sa kanya kasi ibinebenta ng nagigipit niyan kamag-anak at kababayan ang farm ng mga ito. Kaso namatay ang lalaki.

Ang career ng kanyang asawa at mga anak ay nasa Maynila kaya ang farm na maraming fruit bearing trees ay sa isang mapagkakatiwalaang kamag-anak inihabilin. Ang problema, tunay na mapagkakatiwalaan ang caretaker ng bukid pero ang mga trabahador na nakuha nito ay hindi. Kung tutuusin ay mga kamag-anak pa ang mga ito.

Ang inaning  prutas na iniipon sa bodega ay ninanakaw sa gabi. Kung minsan ay diretso sa puno ang pagnanakaw. Ang isa pang problema ay ang mga trabahador pa ang matatapang kapag kinukompronta ito ng caretaker. Minamaliit kasi ng mga ito ang authority ng caretaker. Nagsumbong ang caretaker sa biyuda pero ang payo ng biyuda:

“Hayaan mo na lang. Nag-iisa ka diyan. Hindi mo alam kung hanggang saan ang kayang gawin mga ‘yan. Baka ka mapahamak.”

Bukod sa farm ay may nabili rin mga apartments ang lalaki  sa Metro Manila. Buti pa rito at kumikita  sila nang maayos sa pagpaparenta. Kaya ang malaking leksiyon: Kung residente kayo ng Maynila at walang hilig magbukid ang iyong immediate family, huwag bibili ng pagkarami-raming agricultural lands. Mag-iiwan ka lang nang mala-king problema kung ikaw na tanging mahilig sa pagbubukid ang naunang tinawag ni Lord sa kabilang buhay.

 

FARM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with