Teenager na higit 2 buwan nang comatose, nagkamalay nang marinig ang chicken fillet’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 10, 2020 - 12:00am

ISANG binata na higit dalawang buwan nang comatose ma­tapos maaksidente ang bigla na lang nagkamalay matapos banggitin ng kanyang kapatid ang kanyang paboritong pagkain na chicken fillet.

Noong nakaraang Hulyo, nasangkot sa isang banggaan ang 18-anyos na kinilala lamang sa mga balita sa apelyido niyang Chiu. Nagtamo ng matinding pinsala ang binata, na kinailangang operahan ng anim na beses.

Bagama’t nag-stable ang kanyang kondisyon ay tuluyan pa ring na-comatose ang binata.

Kaya naman laking gulat ng lahat nang sa ika-62 araw ng kanyang pagkaka-comatose ay bigla na lamang nagising si Chiu matapos magbiro ang kanyang kapatid na kakainin nito ang kanyang paboritong pagkain na chicken fillet.

Ayon sa nurse, bigla raw bumilis ang pulso ni Chiu at ilang sandali lang ay tuluyan nang bumalik ang malay nito matapos banggitin ng kanyang kapatid ang mga katagang chicken fillet.

Ngayon ay tuluyan nang naka-recover si Chiu at kama­kailan lang ay bumalik siya sa ospital kung saan siya naratay ng ilang buwan upang pasalamatan at bigyan ng cake ang medical team na nagpagaling sa kanya.

CHICKEN FILLET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with