Retirement home para sa mga matatandang pusa, binuksan sa England
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

ISANG retirement home para sa mga matatandang pusa ang binuksan sa England. Ang retirement home ay tinayo ng Lincolnshire Trust of Cats. Isa itong kakaibang tirahan at kauna-unahang retirement home para sa matatandang pusa sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, nasa 80 mga matatandang pusa ang inaalagaan ng Lincolnshire Trust. Ibinibigay sa mga pusa ang lahat ng kanilang kailangan upang maging komportable ang kanilang mga nalalabing araw.

Ayon sa mga namamahala ng ‘‘retirement home’’, binuksan nila ito dahil nakakaawa ang mga matatandang pusa na inaabandona ng kanilang mga amo.

Bagama’t maraming kumukupkop sa mga pusa, madalas hindi pinipili ng mga nag-aampon ang mga matatanda na kaya palaging ang mga may edad na pusa ang nanatiling abandonado at walang amo.

Kaya naman itinatag nila ang Lincolnshire Trust na maninigurado na magiging masaya at komportable ang buhay ng mga matatandang pusa.

Malawak ang kanilang lugar at kumpleto sa mga gamit na katulad ng heater upang hindi lamigin ang mga pusa. Mamahaling pakain din ang ibinibigay nila sa mga ito.

Bukod sa pagkupkop, tumatanggap din sila ng mga matatandang pusa na hindi na kayang alagaan ng kanilang mga amo. Kailangan nga lang magbayad ng $1,300 (humigit-kumulang P45,000) para sila na ang mag-alaga sa pusa. Sagot na ng nasabing halaga ang lahat ng kakailanganin ng alagang pusa habang ito’y nabubuhay.

 

ENGLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with