STL ng PCSO, tuloy na bukas!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - September 30, 2020 - 12:00am

MAGANDANG balita para sa mga Pinoy na umaasang maging milyonaryo. 

Simula bukas, magpapatuloy na ang operation ng gaming products ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na Small Town Lottery (STL). Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang natirang 53 STL areas ay makapagbukas na matapos aprubahan ni President Digong ang 2020 revised Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Mahigpit ding inihabilin ni Garma sa mga authorized agents corporation (AACs) na sumunod sa mga alituntunin ng PCSO, lalo na sa aspeto ng health protocol ng gobyerno, dahil nananalasa pa ang COVID-19 sa bansa. Sa pagbukas ng STL, magkakaroon din ng standardized schedule ang lahat ng STL draws para sa winning combination nito.

Ayon kay Garma, ang first draw ay tuwing 10:30 a.m.; second draw ay 3:00 p.m. at ang last at third draw ay 7:00 ng gabi. O hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ang paliwanag ni Garma kaya dapat wala nang aberyang  mangyayari sa Oct. 1, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa totoo lang may 61 STL areas na pinatatakbo ang PCSO subalit naunang pinabuksan ang walong prangkisa nito. Dahil sa COVID, bago magbukas itong 53 STL franchise ay may kundisyones ang PCSO na dapat sundin para hindi sila maipasarang muli.

Sinabi ni Garma na dapat ang STL AACs ay walang pagkukulang sa cash bond at sertipikado ito ng Branch Operations Sector at Accounting at Budget Department. Kailangang sumunod sila sa aprubadong health at safety protocols ng gobyerno sa COVID alinsunod sa inspection at pag-indorso ng branch operations at magkaroon ang mga STL AACs ng Deed of Undertaking na ipiniprepara ng legal department ng PCSO para naman sa adjusted remittance scheme na inaprubahan ni President Digong. Hindi naman mahirap ang kundisyunes ng PCSO dahil bukas ang kanilang opisina para asikasuhin ang pangangailangan ng mga ACCs.

Bago naman lumabas ang balita na magbubukas na ang STL ay nagbigay na sila ng advance information sa kanilang mga outlets kung anu-anong dapat nilang ipatupad na health protocols. Sinabi ni kosang Nick Echivarria, na isang outlet owner, na mahigpit ang tagubilin ng PCSO na kapag walang face mask ang mananaya ay hindi tatanggapin ang taya nito. Ipatutupad din ang one-meter distancing at kung puwede ay magdala ng sariling ball pen ang bettors.

Ayon pa kay kosang Nick ipinagbawal din ang matandang kinaugalian na pagdikta sa operator at isulat ang taya sa pay slip. Dapat naka-face mask at face shield ang teller at mag-provide sila ng alcohol at tray na lagayan ng taya at sukli para walang kontak ang teller at bettor. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Maaring sobrang higpit ang health protocol ng PCSO subalit para naman ito sa kalusugan ng teller at bettor sa panahon ng pandemya, di ba mga kosa? Marami ang natuwa sa pagbalik ng operation ng STL at dapat ianunsiyo ng PCSO kung saan ang areas na meron nito para malaman ng PNP kung legal o jueteng ang palaro sa isang probinsiya, di ba mga kosa? Abangan!

 

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with