EDITORYAL - Payagan nang makabiyahe ang lahat nang jeepney
EDITORYAL - Payagan nang makabiyahe ang lahat nang jeepney
(Pang-masa) - September 20, 2020 - 12:00am

ISA sa mga paraan na naisip ng Department of Transportation (DOTr) para maisakay lahat ang mga pasahero ay ang pag-reduce sa physical distan-cing sa public utility vehicles (PUVs). Kawawa naman daw ang mga pasaherong papasok sa trabaho pero hindi makasakay dahil limitado lamang ang laman ng bus o jeepney. At para makapagsakay pa, binawa­san nila ang 1-meter na distansiya at ginawang 075-meter.  Maaari raw makapagsakay ng pito hanggang walong pasahero kapag binawasan ang physical distancing.

Pero ang polisiya ng DOTr ay mahigpit na binatikos.  Maaaring dumami ang kaso ng COVID sa ganitong polisiya. Mas mainam ang 1-metrong distansiya para walang hawahaan.

Binawi ng DOTr ang kanilang plano. Kahapon, si President Duterte na mismo ang nag-utos na huwag nang bawasan ang nakasanayang 1-metrong agwat ng pasahero.  Namumroblema ang DOTr na marami ang hindi makasakay na pasahero. Napakasimpleng problema ito. Bakit hindi dagdagan ang jeepney at bus? Sa halip na bawasan ang physical distancing, dagdagan ang PUVs.

Marami pang jeepney ang hindi nakakapasada sapagkat inalis na ang ruta. Anim na buwan nang hindi nakakapasada ang mga jeepney at marami na sa mga drayber at pamilya ng mga ito ang nagugutom. Karaniwan nang makikita ang pamamalimos ng mga jeepney drivers sa maraming lugar sa Metro Manila. Ilan sa mga drayber ang dumaranas na ng depression sapagkat hindi nila malaman kung saan kukuha ng kakainin para sa kanilang pamilya. Marami sa mga drayber ang nalubog na sa “5-6”. Marami rin sa kanila ang hindi nakatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP)

Ayon sa report, 38,000 draybers ang nawalan ng hanapbuhay mula nang bawalan silang makapasada. Marami sa ruta ng mga jeepney ang nilagyan na ng bus. Pawang maiikling ruta ang ibinigay sa mga jeepney na hindi rin makasapat sa mga pasaherong papasok sa trabaho.

Payagan nang makapasada ang mga jeepney para mabawasan ang kalbaryo sa pagsakay ng mga manga­gagawa at empleado at matulungan din naman ang mga drayber na kumita para sa kanilang pamilya. Hindi naman sila napagkakalooban ng ayudang SAP kaya nararapat na payagan na silang makapasada.

Saka na lang pagtuunan ng pamahalaan ang jeepney modernization. Kapag nalampasan na ng bansa ang pandemic crisis saka ito ituloy. Sa kasalukuyan, ang ilalaman sa tiyan ang nararapat at masosolusyunan ito kung papayagang makapasada ang mga jeepney.
 

JEEPNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with