^

Punto Mo

General Cascolan, sablay ang unang 3-point shot!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MUKHANG sablay ang unang 3-point shot ni Philippine National Police chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan kung gagawing basehan itong ginawa n’yang malawakang reshuffle ng mga PNP officials. Napuna kasi ng mga kosa ko sa Camp Crame, lalo na si kosang Caby Cabacang, na may halong benggansa ang reshuffle dahil ang mga pinalitan ni Cascolan ay ang mga bataan ng mistah niyang sina retired PNP chief’s Oca Albayalde at Archie Gamboa.

Wala namang bawal sa ginawa ni Cascolan mga kosa lalo na kung “the best and brightest’ ang pinaupo dahil kailangan niya ng lahat ng tulong para sa “last two minutes” ng panunungkulan n’ya. Kaya’t umiiral ang demoralisasyon sa ngayon sa hanay ng PNP kaya’t dapat tuldukan ito ni Cascolan kasi nga nanganganib ang inaasam-asam ng mga alipores niya na premyong extension. Araguuyyyy! Ano sa tingin mo kosang Caby? Hak hak hak! Dapat panay shoot na ang 3-points try ni Cascolan para hindi masayang ang 9-point agenda niya para umunlad ang PNP.

Napansin din ng mga kosa ko ang tinatawag nilang “laban o bawi’ sa reshuffle na isinagawa ni Cascolan. Marami ang naapektuhan subalit ang pinakamatindi ay ang pag-stay put nina Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, ang PRO 7 director; Brig. Gen. Junnel Estomo, ng Anti-Kidnapping Group at Brig. Gen. Joseph Ulysses Gohel, deputy ng DIPO Southern Luzon.

Sa ipinalabas kasi na order, si Ferro ay naatang sa 2-Star position ng DIPO Southern Luzon; si Estomo sa PRO7 at si Gohel sa AKG. Hindi pa nga nananamnam ng tatlo ang kanilang promotion nang biglang nabawi ito at ang naiwang kawawa ay si Gohel na napunta sa kangkungan. May iba pang order na na-recall kaya hindi mapigilan ni kosang Elmer Constantino na magkomento na hindi ito maganda sa imahe ni Cascolan na nagmukhang walang powers pagdating sa reshuffle ng kanyang tauhan. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kung sabagay, hindi puwedeng turo-turo lang ang reshuffle sa PNP, lalo na ang regional directors, kasi malaki ang papel dito ng Palasyo, di ba Sen.Bong Go Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Usap-usapan din sa Camp Crame na kung si Cascolan ang masunod ang gusto niyang maging NCRPO chief ay si Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao, ang sagradong bata ni President Digong. Nagpaalam na sa kanyang tauhan si Danao subalit mukhang nahirapan siyang tibagin sa puwesto si incumbent NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. Sobrang bigat kasi ng timbang ni Sinas o sobrang bagyo ang padrino niya? Ano sa tingin mo kosang Col. Remus Medina, NCRPO intelligence chief Sir?

Hayun, stay-put din si Danao at ang tinatarget sa ngayon ay ang puwesto ni CIDG director Maj. Gen. Jigs Coronel, na mukhang ayaw ding siyang pagbigyan. Kailangan na kasing ma-promote ni Danao na two-star para mapabilis ang pag-akyat niya sa trono ng PNP. Araguuyyyy! Hak hak hak! Si PRO11 director Brig. Gen. Filmore Escobal kaya papayag na maungusan siya ng mistah n’ya na si Danao?

Puro 3-point shot ang binabanggit ni Cascolan sa PNP budget hearing at Command Conference subalit kapag hindi n’ya naayos itong sigalot dala ng konrobersiyal na reshuffle niya, baka panay Supalpal ang abutin niya. Abangan!

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with