^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (149)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISINUKAT ni Ziarah ang mga biniling damit. Siya lang ang nasa bahay kaya malaya siyang nagawa ang mga gusto niya sa mga pinamiling damit at underwear. Hindi kasi niya magagawa iyon kung narito sa bahay si Jonas. Kaya sinamantala niya ang pagkakataon.

Una muna niyang sinukat ang mga jeans at shirt. Pawang fit na fit sa kanya ang mga jeans.

Tama si Jonas. Bagay sa kanya ang mga jeans. Lahat nang itinuro ni Jonas na dapat niyang bilhin ay parang isinukat sa kanya.

Halos lahat nang damit na binili niya ay pawang kasya. Walang masasayang sa mga ito.

Mahusay pipili si Jonas.

Naisip ni Ziarah, kung siya lang ang mamimili at pipili ng pantalon at shirts ay baka mahirapan siyang pumili.

Mabuti na lang at si Jonas ang nagpumilit na mag-shopping sila. Sa totoo lang, hindi niya inaasahan ang pagsa-shopping nila.

Nagulat talaga siya nang magyaya si Jonas.

Matapos isukat ang jeans, shirt at blusa, ang black two piece bikini naman ang isi-nukat ni Ziarah.

Gusto niyang makita kung gaano ito ka-fit sa kanya. Ayaw niyang mapahiya sakali man at magamit ito sa big­laan nilang pagbi-beach. Pero imposible na siya ang yayain ni Jonas. Siyempre ang malandi at lalakerang si Kat ang yayayain. Lalo nga at patatawarin na raw ni Jonas ang talipandas.

Halos mapaluwa ang mga mata ni Ziarah nang mapagmasdan ang kabuuan niya sa salamin.

Bagay na bagay sa kanya!

Parang isinukat!

Hindi siya makapaniwala na napakaseksi pala niya sa attire na iyon.

Kapag isinuot niya ito   sa beach ay tiyak na mara-ming mapapalingon.

Ano kaya ang reaksiyon ni Jonas kapag nakita siya sa ganitong kasuutan? 

(Itutuloy)

ANG BABAE SA APARADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with