Lalaki, nakagawa ng higit 26-talampakang slam dunk

ISANG lalaki mula Italy ang nagawang matapatan ang isang Guinness World Record matapos siyang tumalon ng layong 26 talampakan at 6.89 pulgada mula sa isang trampoline at mag-slam dunk sa isang basketball rim.

Noong una niyang subok sa pag-dunk ay nabigo si Davide Rizzi ngunit nagawa naman niyang maabot ang basketball rim at maipasok ang bola sa pangalawa niyang attempt.

Upang masabing dunk at maipasok sa Guinness World Records ay kinailangang mahawakan ni Rizzi ang basketball rim.

Napantayan ni Rizzi ang world record na naitala ni Kerim Daghistani ng Hungary.

Show comments