^

Punto Mo

Ecleo, nais nang mamatay!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

“PATAYIN n’yo na ako!” Ito ang mga katagang unang binigkas ni dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr., matapos masakote ng operatiba ng National Capital REgion Police Office (NCRPO) sa Angeles City, Pampanga. Ayon sa 59-anyos na si Ecleo, nais na niyang mamatay dahil alam n’ya ang sobrang hirap na dadanasin n’ya sa loob ng kulungan matapos mahatulan s’ya ng habambuhay na pagkabilanggo sa pagpatay sa asawang si Alona Bacolod-Ecleo noong Enero 5, 2002.

Nahatulan din siya ng graft ng Sandiganbayan. Bago kasi maibaba ang hatol sa kanya, si Ecleo ay nakulong sa Cebu at nakalaya lang matapos mabigyan ng pagkataon na magpiyansa. Subalit nag-jump bail siya nang maibaba ang hatol kaya hinanap siya ng awtoridad at nasakote ng mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas matapos ang siyam na taon na pagtatago. Araguuyyy! Hak hak hak! Natunton si Ecleo ng mahabang kamay ng batas, ‘di ba mga kosa?

Nang makausap ng media sa harap ni Sinas sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, inamin ni Ecleo na sinabi niya kay Col. Remus Medina, NCRPO intelligence chief, na kitlin na ang buhay niya sa unang pagtatagpo nila. Subalit nagbago umano ang ihip ng hangin nang makausap nang masinsinan si Medina dahil napagtanto niya na kahit mahirap ang buhay sa loob ng kulungan, may maidudulot din itong maganda dahil makikita pa niya ang kanyang mama, mga kapatid, mga anak, kamag-anak at tagasunod sa kultong Philippine Benevolent Missionaries (PBMA) kung saan siya ay tinatawag na Supremo.

Dahil nahimasmasan, nakipag-cooperate na lang si Ecleo kay Medina, at isinurender ang kanyang tatlong baril at isang M16 na mga walang lisensiya. Araguuyyyy! Hak hak hak! Ayon kay Medina ibang kaso ang isasampa nila laban kay Ecleo dahil sa narekober na mga armas.

Ikinuwento pa ni Ecleo na hindi naging madali ang buhay niya sa kanyang pagtatago sa batas. Inamin niya na paiba-ibang sasakyan, na dinonate ng kanyang mga kakulto, ang ginagamit para hindi siya madaling makilala at matunton. Sa katunayan, ang puting Toyota Corolla (DAJ 6642) na sinakyan niya na hinarang ng tropa ni Medina ay nakarehistro sa pangalang Marcos Macapagal Garcia, na kumbinasyon ng apelyido ng tatlong Presidente ng Pinas. Araguuyyy!

Ginamit din niya ang pangalang Manuel Reveral at nagtayo ng Reveral Recording Studio sa Angeles City para isulong ang pagpapanggap niya na isang negosyante. Maraming disguise pa ang ginamit ni Ecleo at maging si Medina ay umamin na sa surveillance operation nila, hirap silang siguruhin kung ito na nga ang kanilang pakay.

Ayon kay Ecleo, naging panatag lang ang buhay niya dalawang taon na ang nakararaan nang ma-in love sa isang 30-anyos na babae na nagbunga ng isang anak na kinagiliwan niya. Na-monitor kasi ng tropa ni Medina na panay ang grocery ni Ecleo para bumili ng diapers at iba pang pangangailangan ng anak at asawa. Sinabi pa ni Ecleo na may nagbibigay sa kanya ng pera at ipinadadala ito sa ibang pangalan para maiwasang ma-trace ng pulisya. Si Ecleo ay ibiniyahe ni Medina sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City noong Miyerkules. Abangan!

vuukle comment

RUBEN ECLEO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with