Ang babae sa aparador (111)

‘‘ANG husay mo sa recitation kanina, Ziarah. Pinahanga mo ako at mga kaklase natin. Ikaw lang ang nakasagot kung sino ang nakaimbento ng computer. Paano mo nalaman ‘yun?’’ tanong ni Joshua habang hawak ang hamburger.

“Siyempre nag-aral ako. Imposibleng hulaan lang yun.’’

“Bilib talaga ako sa’yo. Kasambahay ka pa at mara-ming gawain pero nangu-nguna ka sa klase.’’

“Tiyagaan lang ang pag-aaral. Isa pa mayroon akong pangarap. E ikaw naman yata e hindi mo na kailangang mag-aral dahil mayaman kayo.’’

“Hindi naman gaanong mayaman. Si Daddy ay nasa cruise ship at si mommy ay nasa Dubai.’’

“Mayaman nga kayo. Hindi ko katulad na ulila kaya naging katulong sa bahay.’’

“Hanga ako sa’yo. Maganda ka na e matalino pa.’’

‘‘Huwag mo akong bolahin.’’

‘‘Hindi kita binobola. Maganda ka talaga, Ziarah. Brain and beauty ka.’’

Ngumiti lang si Ziarah at saka tumingin sa relo.

‘‘Naku 5:30 na. Baka hinihintay na ako ng amo ko. Aalis na ako!’’

‘‘Teka Ziarah. Hindi pa natin nauubos ang pagkain.’’

‘‘Ipabalot mo na lang at iuwi mo. Bye.’’

Nagmamadaling umalis si Ziarah.

 (Itutuloy)

Show comments