5-anyos na batang lalaki, naka-hole in one sa isang golf course sa Florida

SIKAT ang isang limang taong gulang na batang lalaki sa isang golf course sa Florida matapos siyang maka-hole in one na tira roon.

Naipasok kaagad ni William Kelly ang golf ball sa Hole 13 ng Springtree Golf Club sa pamamagitan ng isang hampas lamang.

Nakatatlong talbog daw muna ang bola bago nito tinamaan ang flag at pumasok sa butas.

Labis naman ang pagpuri ng golf coach ni Kelly sa kanya. Ayon sa coach, kapantay na raw ng mga batang doble ng edad ni Kelly ang kakayahan niya ngayon sa golf.

Dagdag din ng kanyang coach na napakabata raw ni Kelly para magka-hole in one shot, na isang bagay na hindi nagagawa kahit pa ng mga golf players na buong buhay nang naglalaro.

Kinilala rin ng lokal na pamahalaan ang nagawa ni Kelly sa pamamagitan ng isang Facebook post na nagpapakita ng video ng kanyang hole in one shot.

 

Show comments