Ang babae sa aparador (60)

NANG mamalengke si Ziarah nang araw na iyon ay bumili siya ng mga ilalagay sa kanyang ref. Dalawang malaking bottled water, 1 litro ng softdrink at isang fresh milk. Bumili siya ng isang supot na biscuit. Mas maganda ang biscuit kaysa tasty.

Tama na ang mga iyon. Gagamitin lang niya iyon kapag hindi sinasadyang dumating si Kat. Kailangang naka-ready siya sapagkat hindi niya alam kung kailan darating si Kat.

Nang mabili ang lahat ng kailangan sa bahay ay umuwi na siya.

Nang makapaglinis, makapaglaba at makapag­luto ng lunch niya, ang inasikaso naman ay ang paglalagay sa ref ng mga pinamili niya.

Tamang-tama ang mga binili niya. Kasyang-kasya. Mayroon na rin siyang asukal doon.

Pinagmasdan ni Ziarah ang mga laman. Ready na siya.

Kung isasama uli ni Jonas si Kat mamaya, wala nang problema. Kahit dalawang araw na hindi siya lumabas sa room, puwedeng-puwede. Makakatagal siya.

Naisip naman niya ang ibibiling laptop daw ni Jonas. Sa totoo lang gusto niya ang laptop. Gusto rin niya na mag-FB. Sana, totohanin ni Jonas ang sinabi.

KINAGABIHAN na dumating si Jonas, isang bago at mamahaling laptop ang dala nito.

Hindi makapaniwala si Ziarah.

(Itutuloy)

Show comments