Mayor sa Germany, sadyang nagpahawa ng coronavirus
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

NAGING kontrobersiyal ang isang mayor sa Berlin, Germany matapos niyang aminin na sinadya niyang mahawahan ng coronavirus upang magkaroon na siya ng “immunity” mula rito.

Ayon sa 53-anyos na si Stephan von Dassel, wala raw paraan para maiwasan ang coronavirus sa sitwasyon niya kung saan kasama niya sa bahay ang partner niyang nagpositibo sa virus kaya minabuti na lang niyang magpahawa sa pag-asang ilang araw lang naman siya na mararatay sa sakit.

Pagkatapos daw niyang magkasakit ay maari na niyang gampanan ang kanyang tungkulin ng walang pa­ngamba na mahawa siya o makahawa ng coronavirus.

Nahawa nga si Von Dassel ngunit higit sa tatlong araw na pagkakasakit ang kanyang naranasan. Gayunpaman ay ipinagma­ma­laki niyang ito na raw ang kontri­busyon niya para masugpo ang coronavirus.

Kahit daw kasi sinadya niyang magpahawa ay naka-self quarantine naman siya hanggang ngayon upang masiguradong hindi na niya maipapasa ang virus sa iba.

GERMANY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with