Pagmamalabis ng bgy. tanod sa Panabo, nakaabot sa BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - April 4, 2020 - 12:00am

PAHIGPIT nang pahigpit ang implementasyon ng mga regulasyon sa bansa para malabanan ang COVID-19. Nakapanlulumong malaman araw-araw na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus.

Subalit habang naghihigpit, may mga taong inatasan na tumitindi rin ang paggamit sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila.

Isang sumbong na natanggap ko mula Panabo, Davao Del Norte ang binabantayan ng BITAG sa ngayon. Oo, hanggang sa bahay ay nagtatrabaho kami sa pamamagitan ng Pambansang Sumbungan online.

Isang mag-ina, papunta sana sa remittance center para kumuha ng P800 pambili ng gatas ng bata at pangkain sa bahay ang umano’y sinita sa checkpoint. Walang facemask at nakahubad ang anak ng 59-anyos na ginang na nagsisilbi niyang drayber. Kasita-sita na talaga ito kung tutuusin.

Ang siste, pinayagang makadaan sa checkpoint at sa foot bath. Makalampas, saka umentra ang isang barangay tanod. Kinaladkad at sinigaw-sigawan umano ang ginang.

Ipinagtanggol ng anak ang kanyang ina na hinimatay dahil sa ginawa ng tanod. Kaya ang ending, ang anak ay pinosasan at kinulong. May medico legal at litrato ng mga sugat ang ginang na pinadala sa BITAG.

Nakausap ko ang imbestigador ng kaso, sabi niya sa akin, “Sir, simpleng kaso lang naman ito, ayaw talaga magpatawad ng tanod.” Dagdag ni Sarge, marami na siyang nahawakang kaso tulad nito na kung tutuusin ay puwede namang ayusin.

Napag-alaman ko, eto palang barangay tanod ay may something sa anak ng ginang. Tumayong testigo ang anak ng ginang laban sa tanod na iligal na nagpaputok ng baril.

Sinusubukan kong makuha ang numero ng barangay tanod para malaman ang kanyang panig. Subalit nabalitaan ko na ang kapitan mismo, ayaw ibigay ang numero para maalam ng BITAG ang buong detalye.

Bukas ang aking mga Facebook accounts (BITAG Live, BITAG Multimedia Network at Pambansang Sumbungan) sa anumang impormasyon hinggil sa sumbong na ito.

Para sa buong detalye, mapapanood sa BITAG Official ang sumbong. Anumang panlalabis at pang-aabuso, #ipaBITAGmo.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with