EDITORYAL - Nabulabog dahil sa ‘pastillas’
(Pang-masa) - February 29, 2020 - 12:00am

SALAMAT sa “pastillas” scheme dahil nagkaroon ng total revamp sa Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente ang total revamp ng 500 Immigration personnel sa NAIA makaraan ang nabulgar na “pastillas”.

Magandang hakbang ang ginawang ito. Pero mas maganda kung isasailalim sa “lifestyle check” ang mga personnel ng BI. Bago pa ang pag-revamp, sinibak na ni President Duterte ang 19 na opisyal at personnel ng Immigration dahil sa “pastillas’’ modus. Sinabi ng Presidente na kumpiyansa siya kay Morente. Malaki pa rin ang tiwala niya rito.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ ng isang Immigration employees ang nagsiwalat na madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) kapalit ng pera. Bawat Chinese ay hinihingan ng P20,000 para makapasok nang walang kuskos-balungos. Nangyayari ang modus sa NAIA Terminal 1 at 3. Dumagsa ang Chinese workers sa POGOs noong 2017.

Bago pa ang “pastillas” hinuhuthutan din ng mga corrupt sa Immigration ang mga South Koreans. Noong Marso 6, 2019, 15 South Koreans ang pinigil ng Immigration officials sa Angeles City, Pampanga dahil sa overstaying.

Tinakot umano ng mga BI officials ang mga Koreano na ikukulong kung hindi magbibigay ng P280,000 hanggang P1 milyon. Walang nagawa ang mga Koreano kundi magbigay. Umaabot sa P9.4 milyon ang nakuha ng Immigration officials sa mga Koreano.

Sana marami pang maimbestighahan na BI personnel. Maaring matagal na itong ginagawa. Matutuwa ang mamamayan kung marami pang masisibak sa BI. Kailangang malanghap pa ng Presidente ang masangsang na amoy ng korapsiyon sa BI.

 

PASTILLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with