Tough mama
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

TAKOT ang namayani sa kanyang puso nang makita niyang sinampal sa kauna-unahang pagkakataon ng kanyang lasing na ama ang kanyang ina.

Dating pulis sa probinsiya ang kanyang ama at ina. Nang mabuntis ang kanyang ina ay pinatigil na ito ng kanyang ama at naging plain housewife na lang. Matagal din naging pulis ang kanyang ama pero natanggal sa serbisyo dahil nabaril nito ang kasamahang pulis dahil nagtalo tungkol sa babaeng kinursunada nila pareho sa beer house. Buhay naman ang pulis dahil sa binti natamaan pero permanenteng napilay. Pareho silang natanggal sa serbisyo dahil nang mangyari ang gulo ay pareho silang naka-duty.

Ibinili ng jeep na pampasahero ang natanggap na separation pay kaya pamamasada na lang ang naging trabaho ng ama. Sa halip na magsisi at mahiya sa kanyang ina dahil babaeng taga-beer house lang ang naging dahilan ng pagkatanggal sa trabaho, siya pa ang may ganang magsungit sa kanyang ina. Kung hindi lasing pag-uwi sa bahay, para itong hari kung umasta at makapag-utos mula sa kanyang ina hanggang sa kanilang magkakapatid. At iyon nga, matapos magtalo ang dalawa, sinampal nito ang kanyang ina sa kauna-unahang pagkakataon. Pero ewan nga ba niya kung iyon ang una. Basta first time niyang nakita na nasampal ng ama ang kanyang ina. Lalong lumayo ang loob niya sa ama.

Ngunit isang araw, nasaksihan niya kung paano gumanti ang kanyang ina matapos itong suntukin ng kanyang ama sa sikmura. Kinarate ng kanyang ina ang kanyang ama hanggang sa mawalan ito ng ulirat. Noon niya nakilala ang salitang tapang, paggalang at pagmamahal sa sarili. Natuwa talaga siya. Kung puwede lang i-BELAT ang kanyang ama, ginawa na niya! Niyakap niya ang ina nang mahigpit na mahigpit.

Simula noon tumino na ang kanyang ama at tumigil na ito sa pagbarik. Pamamasada na lang ng jeep ang inatupag. At himala, nawala ang kasungitan. Binigyan  kasi ito ng ultimatum ng kanyang ina.

“Kapag nalasing ka ulit at sinaktan mo ako, hindi ko na papayagang magising ka kapag gumanti ako.”

Hindi alam ng kanyang ama, blackbelter pala ang kanyang ina bago pa man ito maging policewoman. Napuno na ito sa kanyang ama kaya inilabas na ang pangil para ipatikim ang bagsik ng kanyang kamao. Pagsapit ng summer vacation, plano niyang magpaturo ng karate sa kanyang ina para mapangalagaan niya ang sarili, in case, na malasin siyang makapag-asawa ng lalaking mabait sa una pero may itinatagong saltik kagaya ng kanyang ama.

* * *

PASASALAMAT: Buong puso akong nagpapasalamat kay Madam Ma.Diomedes L. Habon sa ipinadala niyang scrap book na naglalaman ng mga clippings mula sa mga kuwentong nalathala sa Diklap. Sana po ay makapagkape ako sa iyong Kapihan ni Aling Meddy na matatagpuan sa Las Piñas Public Market.

PUSO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with