Garma, isusulong ang pagbabago sa PCSO!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

NAGPALIWANAG si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kung bakit konting halaga na lang ang naipamigay ng ahensiya sa mahihirap nating kababayan na may sakit. Noong mga nakaraang taon kasi mga kosa, ang naibigay na tulong ng PCSO sa may sakit ay mala­king halaga, lalo na sa chemotherapy, kung saan kalahati nito ay sagot ng naturang ahensiya.

Samantalang sa ngayon, halos P10K na lang ang tulong ng PCSO sa chemotherapy habang P5K naman sa ibang sakit. Araguuyyy! Nilinaw ni Garma na kaya naman komonti ang tulong pinansiyal nila sa mahihirap nating kababayan ay dahil sa sangkaterbang health program ni President Digong tulad ng Universal Health Care (UHC), Philhealth, at Malasakit program ni Sen. Bong Go. Bilyones ang pondo nito mga kosa.

Kasama na nating ilista d’yan ang flagship program ng PCSO na Individual Medical Assistance Program (IMAP) kung saan P6 bilyon ang inilagak na pondo at umabot sa 517,696 katao ang natulungan noong nakaraang taon. Sa isang press conference, sinabi ni Julieta Aseo, asst. Gen. Man. for the charity sector ng PCSO na ayon kay Health Sec. Francisco Duque sa 2022 pa magiging operational ang UHC subalit sa taong 2019 pa lang ay may nakalaan ng pondo ang ahensiya dito. Ang Philhealth naman ay hindi pa nagpalabas ng guidelines tungkol sa programa nila kahit handa na ang PCSO para maglabas ng pitsa.

Ang pondo naman sa Malasakit program ni Sen.Go ay direkta na sa mga ospital kaya’t hindi na kailangang dumaan pa ang mga may sakit sa PCSO. Kahit maliit man ang tulong ng PCSO, tuloy-tuloy ito, ayon kay Aseo, at puwede namang mag-apply kada-buwan. Hak hak hak! Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw kung bakit bumaba ang tulong pinansiyal na ipinamahagi ng PCSO dahil nakalaan na ang malaking pondo sa mga programa ni Digong. Tumpak! Get’s n’yo mga kosa?

Kasama sa naging dahilan sa pagbaba ng tulong ng PCSO sa mahihirap ay dahil kumita ang ahensiya ng P44 bilyon sa taon na 2019 na mababa ng 30 porsiyento sa P63 bilyon na kinita nito noong 2018. Kaya naman tumaas ang kita ng PCSO noong 2018 ay dahil maraming Pinoy ang tumaya sa lotto at nagbakasakaling manalo ng P1 bilyon na premyo nito.

Sa unang walong buwan ng taon, halos tig-P2 bilyon ang sales nito, lomobo sa P3 bilyon sa Setyembre at P4 bilyon sa Oktubre kung saan may nanalo na. Sa susunod na mga buwan ay bumaba na ang sales ng lotto, maliban sa buwan ng Agosto at Setyembre 2019 kung saan isinara ni Digong ang Small Town Lottery, KEno at Peryahan ng Bayan. Araguuyyy! Hak hak hak! Ipinapangako naman ni Garma na isusulong ng PCSO ang mahusay at maunlad na pamamahala ng mga gaming products para makakaahong muli ang ahensiya sa taon na ito. Tumpak!

Magkakaroon ng maraming pagbabago sa PCSO subalit itong lahat ay para sa kabutihan ng ahensiya, ayon pa kay Garma. Hinikayat naman ni Garma ang mga PCSO employes na positibong yakapin ang pagbabago at handang harapin ang mga problemang dulot nito. Abangan!

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with